"Sus yan lang ang OA mo Coleen"Abby

luh bhie kinakampihan nya si Gab

"Tyaka naka hubad sya tas katabi kopa!"Sabi ko

"Coleen di gagawin ni Gabb yun sayo"Pag tatanggol neto kay Gabb

ayus ako pa yata mali

"Bakit ba pinag tatanggol nyo sya?! So ano ako mali ha?!"Pasigaw na sabi ko kay ate Abby

"Coleen bago mo sya pag bintangan siguraduhin mo muna"Mahinahon na sambit ni Ate Abby "Tyaka asan ba yung ebedensya mo?"Dugtong ni Ate Abby

"Yung sinabi ko sayo kanina"

"Jusko nmn Coleen hindi naman sapat na ebedensya yun"Abby

Luh? edi ako na mali

"Eh bakit ba ako nanaman mali? tyaka akala ko ang tapang tapang nun? bakit paiyak na agad kanina eh ang yabang yaba-"Di ko natapos ang sasabihin ko

"Ayun kahinaan ni Gabb"Abby

"Ha? ang simple nmn nun"

"Oo Coleen simple pero alam mo ba dahil lang dun kaya nag bubulakbol si Gabb at gumagawa nang kalokohan?"

"A-ate di kita gets"

"Dati kse......"Abby

*FLASH BACK*

Gabbs pov:
(year 2010)

Tumakbo ako pauwi sa bahay dahil may humahabol saaking tatlong lalake na armado

"papa!"Sambit ko nang mabuksan ko ang pintuan

nang maka lapit ako kay papa niyakap ko sya

"Papa yung mga tauhan ng Claver hinahabol ako!"takot na takot kung sabi habang may mga luha sa mga mata

"Sila Miro nanaman!"Galit na sabi ni Papa

Sila tito miro kse pinsan ni papa na gusto agawin ang kayamanan nila lolo

inggit na inggit sila saamin dahil saamin pinamana yung kayamanan ni lolo bago sila pumanaw

kaya gusto nila kami mamatay lahat dahil para masakop nila ang kayamanan ni lolo

hindi daw sila titigil hanggang di nila kami napapatay

sabi nila i report daw namin sa polisya ngunit nag banta si tito Miro na madadamay daw ang taong mamahalin ko

dahil sa takot ni papa di nya nirereport sila tito sa mga duming ginagawa nito

ayaw daw ni papa na pati ang future ko madamay

"Nak wag kang lalabas haharapin ko sila"Sambit ni papa

hindi ako sang ayon sa sinabi ni Papa

ngunit di na nya hinintay ang sagot ko at dali daling tumakbo papalabas

nang mabuksan nya ang pinto hinarangan ko ang dinadaanan nya

ngunit bigla nya akong niyakap at....

*BANG! BANG!*

Dalawang putok nang baril ang narinig ko

marahang bumitaw sa pagkayakap sakin si Papa at bumulagta

"PAPA!"Sambit ko at tuloy tuloy ang pag agos nang luha saaking mga mata

"Papa! PAPA GUMISING KA! PAPA!"sambit ko habang umiiyak

ngunit huli na ang lahat






I Inlove with a GangsterWhere stories live. Discover now