Clear and negative.

Sinipat niya ang pundilyo. Lintek. The bulging is getting bigger. Humigpit na ng husto ang harapan ng pantalon niya. He'll be needing a freaking cold bath later.

"Ang himbing pala ng tulog niya," nagsalita si Aya mula sa pinto mg terrace. "Nanguha ako roon sa ref mo." Itinaas nito ang lata ng scotch.

"Bukas na kayo umuwi." Hindi niya ito sinulyapan. Baka sumabog na ang groin niya.

"What are you doing?" Lumapit ito ay sinilip ang laptop. 

"I'm planning to set-up an electronic security in your house," he moved away. The scalding heat kept escalating inside him.

"Wala akong budget."

"This is for my son."

"Your son? Naniniwala ka talagang anak mo si Aki?" Nahimigan niya ng iritasyon ang tinig ng dalaga. "Sige nga, may naalala ka kung paano mo siya binuo?" Hamon nito. Kampanteng magsalita dahil wala siyang maalala sa mga detalye.

Hindi siya makikipagtalo rito ngayong may giyera siyang hinaharap sa kanyang puson. Pinabalik niya ang drone nang makakuha ng sapat na data sa buong lugar.

"Hindi ba Commander ka ng elite force ng Hyatt empire? Anong ginagawa mo rito? Paano ang trabaho mo?"

"On leave ako, indefinite." Pumihit na siya at pumasok sa loob.

Bumuntot ito sa kanya habang inuubos ang laman ng can. "Wala akong sasabihin na kahit ano tungkol kay Aki. Hindi mo rin ako mapipilit na umamin o ang hingin na magkaroon ng DNA test. Hindi mo makukuha sa akin ang anak ko."

Nilapag niya sa mesita sa sala ang laptop at drone. Hinaklit sa braso si Aya at sinarhan ng mapusok na halik ang labi nitong basa ng alak. Nanlaban ito. Umungol ng pagtutol pero nang lumalalim ang halik ay gumanti na ng masidhing kagat sa labi niya. Tinapatan ang kanyang halik at kumapit sa kanyang batok.

Ang plano niya ay paaminin lang ito pero pati siya ay nalaglag na rin sa daluyong at hirap nang umahon pa. Nagkarera ang dila niya sa pagpasok sa loob ng bibig nito at ang kamay niyang pumaloob sa ilalim ng panty nito kahit mahigpit ang suot nitong pantalon.

But the door bell screamed.

***
Matangkad, sexy at magandang babae ang pumasok matapos buksan ni Javier ang pinto. Si Aya na wala sa sariling nakaupo sa couch, nakasiksik sa dulo ay mahigpit na kuyom ang mga kamao. Hiyang-hiya sa sarili. Ganoon kabilis siyang bumigay sa halik ni Javier? Nasaan na ang galit na inipon niya sa puso para sa binata? Bakit hindi niya makapa?

"Thanks goodness, akala ko hindi kita mahanap. Maling address ang ibinigay ni Kameron sa akin," malambing na nagsalita ang babaeng bisita.

Siguro girlfriend ito ni Javier. Umiwas siyang tingnan ang dalawa. Nakapigil ang isa niyang kamay sa kanyang harapan. Hindi niya nagawang isarado ang zipper na binuksan ng lalaki nang kapain nito ang pagkababae niya. Hindi niya maintindihan kung bakit tila nasabik pa ang balat niya sa haplos nito.

Anong nangyayari sa kanya? Hindi naman siya nasasanay sa ganoong aktibidad pero mistula siyang pokpok na hinahanap na sobra ang antisipasyon nang hawakan ni Javier ang katawan niya.

"Who is she?"

Bumalik siya sa huwesiyo nang marinig ang tanong na iyon ng babae. Gimbal siyang napatingin sa mga ito.

"She's Aki's mother," sagot ni Javier.

"Oh, your son? Nagkuwento sa akin si Tita Vierra. Nasaan ang bata?" sabik na usisa ng babae.

"Tulog na."

"Oh, sayang." Bumaling ito sa kanya. "I'm Xiellou, pleasure to meet you." Naglahad ito ng palad.

Bantulot na inabot niya rito ang kamay. "Aya," pakilala niya.

Hatinggabi na ay gising na gising pa rin siya. Tahimik na umiiyak sa loob ng silid kungsaan natutulog si Aki. Malaki ang kama at maluwag para sa kanilang dalawa ng anak niya. Sa kabilang kuwarto ay naroon sina Javier at ang girlfriend nito.

Niyakap niya ang mga tuhod at sumubsob doon. Natatakot siya. Naka-move on na siya sa dagok ng puso niya kay Rheeva. Ayaw na niyang bumalik na naman ulit sa masakit na damdaming iyon. Hindi pa siya tapos magbayad sa kasalanan niya.

Namilog ang mga matang tumingin siya sa bumukas na pinyo. Pumasok si Javier. Mabilis niyang pinalis ang mga luha at umayos ng upo.

"Dito ako matutulog," kumindat ito sa kanya. "You're such a crybaby. Hindi ko kukunin sa iyo ang anak natin. Hindi rin kita pipiliting aminin ang totoo. I told you, sapat na sa akin kung anong sinabi ng puso ko tungkol kay Aki."

Hindi siya kumibo at nakatulala lang rito habang inaayos nito ang unan sa tabi ni Aki.

"Matulog ka na." He fixed himself next to their son.

"Bakit mo iniwan ang girlfriend mo?" dumulas iyon sa bibig niya.

"Xiellou? She's not my girlfriend. She's a childhood friend, like a sister to me."

Hindi niya gusto ang pagluwag ng kanyang dibdib dahil sa sinabi nito. Nahiga na rin siya matapos dampian ng halik sa labi ang anak.

Isiniksik niya sa ilalim ng kumot ang mga binti at di sinasadyang nasagi ang paa ni Javier. Nanusok sa balat niya ang mala-karayom na boltahe. Akmang hihilahin niya ang paa nang daganan iyon ng paa ng binata at ayaw pakawalan.

"Do you want to continue where we left off earlier?"

Nanlaki ang mga mata niya. Javier is not joking. He is serious with that fiery lust matches the lights of the chandelier.

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Where stories live. Discover now