Ang Pag-Ibig

40 1 0
                                    

Ang pag-ibig ko ay hindi nasusukat;

Sapagkat nananatili itong tapat;

At kung ito man ay mayroon nang lamat;

Ito ay nananatiling laging sapat:

Ito rin ay hindi napag-aaralan;

Dahil puso ay hindo natuturuan;

Kung ito man ay mayroong kamalian;

Huwag naman sana itong agad na husgahan:

Kaya't ikaw sana ay wag magkamali;

Kahit na ang puso mo ay laging sawi;

Sa mga pangakong laging nababali;

Na nag-iwan sa puso mo ng pighati;

Kaya't sa pag-ibig akaw ay sumabay;

Para hindi ka na laging nalulumbay;

Sa pagmamahal ikaw ay magpatangay:

Dahil ito ay nananatiling Tunay.

Poem CollectionsWhere stories live. Discover now