simula

1 0 0
                                        

" Zalaha! Sigurado kana ba?! Delikado ang binabalak mo!" Inis ngunit pabulong na sita saakin ni Rema

"Buo na ang desisyon ko Rema. Kailangan ko 'tong gawin" pabulong ko ding sagot habang inaayos ang mga gamit na kakailanganin ko

" Nako Zalaha napakatigas talaga ng ulo mo! Mag iingat ka ha? Bumalik ka ng buhay!"naiiyak nyang sabi. Isang mahigpit na yakap ang iginawad ko sa kanya saka nag madaling umalis kasama si Raka ang alaga kong unggoy.

Wag kang mag-alala Rema pagbalik ko sinisigirado kong mababago na ang lahat ng baluktot na paniniwala ng mga taga isla.
Ibubunyag ko ang sikreto ni pinunong Alem at ng isla Benis. Hindi na natin kailangangmag panggap na wala tayong alam.

Maingat akong nag tago sa mga puno upang hindi makita ng mga tagabantay.
Ito ang oras ng pagpapalit ng mga nag babantay ilang sandali silang sisilong sa bulwagan upang makapag usap saka babalik sa kani-kanilang pwesto.

Nang pumunta na ang lahat sa bulwagan ay dali dali akong tumakbo sa kweba ng islang ito. Dito nakatago ang lahat ng bangka at balsa para sa pag laot. Agad kong inilapag ang lahat ng aking gamit sa bangka pati narin si Raka  upang itulak na ito sa pampang. Ang kweba ay kunektado sa dagat na syang aking dadaanan.

Pawisan at basa man ay hindi ko alintana ito dahil sa kaba na aking nararamdaman. Kung mahuli man ako ngayon tiyak na kamatayan ang aking kaparusahan.

Malayo na'ko sa kweba ng marinig ko ang sigaw ni pinunong Alem. 
" ZALAHA! hindi ka makaliligtas sa amin! Isa kang taksil!"  Nag aalab sa galit ang mga mata ni pinunong Alem. Ngunit sa kabila nito ay hindi ako nag patinag mas binilisan ko ang pag sagwan upang makalayo na. Isang putok ng kanyon ang umalingawngaw sa tahimik na isla, at ang puntirya ay ang aking sinasakyan. Hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa'kin..

Ngunit isang pagsabog ng kanyon ang syang tumama sa aking bangka na syang nagpatalsik sa akin sa dagat...

Ito na ba? Hindi pa man ako nag uumpisa tapos naba agad? Wala na ba talaga akong magagawa?

Gusto ko mang lumangoy paangat, ngunit hindi na kaya ng mga kamay at paa ko dahil sa mga natamong sugat sa pagsabog.

Ngunit bago paman mag dilim ang paningin ko mula sa pag lubog sa dagat. Isang kamay ang humitak sakin paangat.

Isang imahe ng lalaki na syang ipinag babawal naming makasalamuha...

Katapusan ko na nga ba? O ito palamang ang simula?

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Aug 16, 2021 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

ZALAHAOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz