Kala's POV
Hinarap ko ang sarili sa salamin, suot-suot ko ngayon ang isang simpleng itim na puff dress ko.
Nilagyan ko na ng pulang lipstick ang labi ko para makompleto ang awra ko ngayon. Napangiti ko habang tinitingnan ang sariling repleksyon ko. Tonight is a special night. First anniversary namin ni Don kaya naman hindi puwedeng masira ang gabing ito.
Simula no'ng mawalan ako ng ama, inabandona na ako ng sariling ina ko, hindi na niya ako kinilalang anak pa. But still sa akin pa rin siya tumatakbo to feed her, her new family.
Losing someone you love so much is painful, lalo na't si papa lang ang karamay ko sa lahat. Dahil noon pa man, matagal na akong binabalewala ng sarili kong ina.
Naghanda na ako at lumabas sa nirentahan kong silid at hindi ko kinalimutang dalhin ang tupperware na laman ang niluto kong chicken cordon.
Matagal na kaming magkakilala ni Don, he became my prince charming when I thought I lost one. Siya ang pumuna sa pagkawala ng papa. Kaya naman mabilis nahulog ang loob ko sa kaniya.
Sino bang hindi mahuhulog? Magandang lalaki si Don, he's kind, at mabait sa akin at sa lahat. Most people think that I'm too good for him. But, actually he's too good for me.
Huminga ako ng malalim nang makarating na ako sa tapat ng room ni Don. He's also renting a room sa isang apartment and lives separates sa parents to work.
Nakaisang katok pa lang ako ay bumukas na agad ang pintuan. Bumungad sa akin ang nakaayos na lalaki na nakasuot ng itim na polo at nakapants para paghandaan din ang gabing ito.
"Happy Anniversary, babe!"
Malapad ang ngiting pagbati ko sa kaniya na sinagutan niya ng yakap at halik sa noo ko. Dumako ang tingin niya sa bitbit kong tupperware, "Ano 'to?"
Nakangiting ipinakita ko sa kaniya ang dala ko. "Chicken Cordon, luto ko. Tara tikman mo." Inagaw pa niya sa akin ang bag at tupperware na dala ko.
Pumasok na ako sa loob at siya na ang nagsara. Inilagay niya sa mesa ang tupperware at binuksan ito.
"Amoy pa lang masarap na," nakangiting aniya habang inaamoy ang luto ko.
Nilapitan ko siya at pinanood. Kumuha siya ng isang piece at isinubo. Napapikit pa ito para bigyan ng emosyon ang pagkain na ikinatawa ko.
"Masarap nga!" masayang saad niya na ikinatuwa ko. Inunat niya ang kamay niya kaya lumapit ako sa tabi niya at niyakap ako.
"May surpresa ako sayo," bulong niya sa akin.
Niyakap niya ako mula sa likod habang sinasayaw. Tinakpan niya ang dalawang mata ko at dinala ako kung saan.
"Ano'ng pasabog naman 'to?"
"Surprise nga, ready ka na?" Napangiti ako at tumango.
Ganito siya lagi. Sweet. May pasorpresa. Maayos naman kaming dalawa at hindi gaanong nag-aaway. Pareho naman kaming nag-aadjust at umiintindi sa isa't-isa.
Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay niya sa pagkatakip at natahimik ako dahil sa nakita ko.
Nagkalat ang mga petals sa kama niya na gumuguhit na puso. Samantalang sa gitna ay may isang bouquet na bulaklak na pulang rosas. Hindi ko alam kung ano ang irereak ko. Kinuha niya ang bulaklak at inabot iyon sa akin.
"Happy first anniversary, babe." Napatakip ako sa bibig ko dahil parang maiiyak na ako.
Sinagot ko siya ng mahigpit na yakap at saka tinanggap ang bulaklak.
"Happy first anniversary din babe," bati ko habang inaamoy ang mabangong rosas.
Niyakap ko siya nang mahigpit. Tumalikod ako at niyakap niya ako sa likod habang sumasayaw sa walang musikang paligid. 'Di mabura ang ngiti ko habang magkayakap kaming dalawa.
YOU ARE READING
Kiss of Tears (COMPLETED)
RomanceKala told herself that the last man she will love is her father. And romance has gone to her mind. But when he met Coen, a flirt but still virgin boss of her captivated her heart. All of her worries about her past have gone replaced by butterfly fe...
