Intro

5 1 0
                                        



I was busy thinking and squeezing my brain out just to fill some informations and ideas for my article and its only 10:30 in the morning when this annoying editor and a friend of mine keep on talking about food and where to eat. Palibhasa kasi napakagaling at wala siyang ginagawa dahil tapos na niya ang inatas  sakanya. Samantalang ako, heto at tunganga at bruha. Ngunit mabuti nalang at wala na ako sa dati kong pinagtatrabahuan kung hindi ay nasigawan na ako at nasabihan ng masasakit na salita dahil hindi ko magawa ng maayos ang trabaho ko.


I love writing. I know hat to myself but I know also that I can write an amazing and mind-blowing article If I'm in good condition and nice environment where I have it right now so I feel blessed.


Eksaktong magkakamot sana ako ng ulo at aayusin ang pagkakapony-tail ng buhok nang pabiglang tumayo si Ren, kapwa editor ko dito sa The Fab at nagsalita,    


"Saan tayo mag-lulunch kaya ngayon? Nagugutom na ako" humalakhak pa ang lokong si Ren dahil nakita niya ang gulat sa aking mukha, habang hinihimas ang tiyan.


Lumingon lang ako sakanya at nginuso ang kambal para sila naman ang mag-suggest kung saan kakain dahil ako last week. Ang hirap kaya non, wala akong masyadong alam na restaurant o kainan, mabuti nalang andito si Ren at sinamahan ako mag-isip.


"Psst. Cath. Ano na? Saan tayo? Gutom na ako sa libre mo hehehe" sabay halakhak muli ni Ren at narinig pa ni Sir Apollo, Editor-in-Chief namin, magmula sa malayong mesa niya.


"Hindi ko alam kung saan. Claire?" tanong niya sa kambal niya.


Habang hinihintay namin ang sagot ni Claire dahil busy sa pag-aayos ng wardrobes na gagamitin ng mga models para sa Ber-Seasons Edition ay narinig namin ang mabigat na yabag papalapit sa table ko.


"S-sir?" biglang tayo ko dahil sa gulat na lumapit sa akin si Sir Apollo.


"Since, you are planning to have lunch outside. Why don't we go to the Four Seasons Cuisine. Covered ng company kaya huwag na kayong umangal kung mahal doon. Besides, simula nang magsimulang magtrabaho si Miss Fall dito ay wala tayong naging team lunch or dinner man lang. So, here.." inabot niya ang card ng kompanya at tumalikod na sa amin at nauna nang lumabas.


Tulala pa rin kami dahil bihira lang si Sir na maging galante at kausapin kami maliban lang kung tungkol sa work.


"Oh right! Libre ni Sir. Tara na baka bawiin pa niya" at hinila na ako ni Ren.


Sumakay kaming apat sa kotse ni Ren para makarating dun sa restaurant dahil nauna na si Sir doon. Pagkababa namin ay naroon na siya sa labas ng pintuan habang may kausap sa cellphone niya. Lumapit si Claire nang may maarteng ngiti at sinabing, "Sir, tara na po sa loob?".


"Ah. Yes wait. You guys may go ahead first" sagot niya sabay talikod kay Claire.


Hah! Barado ka gurl. At tumawa pa sakaniya ang kambal niya. Alam naming apat na si Claire ay may lihim na pagtingin kay Sir ngunit natatakot parin ito kapag silang dalawa lang dahil parang nangangain ng tao si Sir kung magsalita.

Travelling Through Pages (SEASON SERIES #1)Stories to obsess over. Discover now