Chapter 2 - Unang Yugto

Start from the beginning
                                    

***
Umigtad si Aya nang hawakan ni Rowena sa braso. Unahan kung rumolyo ang mga luha niya. Ayaw na sana niyang balikan ang bangungot na iyon. Pero nanariwa dahil sa muling pagtagpo ng landas nila ni Javier. She thought before it was rape. But then she realized it wasn't.

Walang kasalanan si Javier. Siya lang ang dapat sisihin. Nasa ilalim ng impluwensiya ng alak at druga ang binata, nawala ito sa sarili dahil sa kagagawan niya. Siya ang may matinong pag-iisip nang gabing iyon pero dahil sa pagkasuklam niya kay Anne Marie at sobrang pagmamahal niya kay Rheeva ay nagawa niya ang krimen.

"Mama?"

"Aki," mahigpit niyang niyakap ang anak.

Hindi pa ba sapat ang pitong taon na pagdurusa niya sa loob ng kulungan? Kailangan bang pati anak niya ay mawala sa kanya upang mabayaran niya ng lubos ang pagkakasalang iyon?

"Aki, huwag mong iwanan si Mama ha? Dito ka lang kay Mama kahit na anong mangyari, kay Mama ka lang, anak. Hindi ako mabubuhay kung mawawala ka sa akin!" Humagulgol siya.

"Mama..." pati ang bata ay umiyak.

Niyakap silang dalawa ni Rowena. "Ano bang nangyayari sa iyo? Kung hindi ka magsasalita'y hindi kita maiintindihan."

"Wala siyang kasalanan, Auntie. Hindi niya ginusto ang nangyaring iyon, wala siya sa sarili niya. Ako ang gumawa ng halimaw, ako..." nanangis siya.

Ilang buwan din siyang sumailalim sa counseling habang nasa kulungan siya dahil hindi siya makatulog ng maayos dati. Lagi siyang dinadalaw ng bangungot na siya rin naman ang gumawa. Natatakot siyang muling magbalik iyon.

Mabuti na lang at naunawaan ng bata nang ipaliwanag niyang sa probinsya na lamang nila i-celebrate ang 7th birthday nito. Pagkatapos niyang makuha ang kanyang dokumento ay agad siyang nagpaalam sa mga kasama niya sa selda at sumama sa jail guard patungo sa labas.

Ang pananabik niyang muling makita ang mundo ay natabunan na ng takot at gusto na lang niyang makalayo na sa lugar na iyon. Malayo kay Javier at sa posibilidad na malaman nito ang sekreto niya. Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag habang lulan na ng taxi.

"Tinawagan ko si Miles at humingi ako ng paumanhin. Naintindihan naman daw niya. Kinamusta ka nga pala. Baka makadalaw raw siya sa atin sa susunod na linggo." Binasag ni Rowena ang katahimikan.

Tumango lamang siya at hinagkan sa ulo ang anak na nasa kanyang kandungan at nawiwili sa mga tanawin sa labas ng bintana.

"Mama, where's my Papa?" biglang tanong ni Aki.

Nanigas siya at para siyang sinuntok sa dibdib. Ngayon lang nagtanong ng ganoon ang bata.

"I don't know where is my Papa, Mama. That man asked me the same question but I don't know where is my Papa," sumimangot ito at tumingala sa kanya.

Lalo siyang hindi makapagsalita. Ang lalaking tinutukoy ba nito ay si Javier?  Wala sa sariling tumingin siya kay Rowena.

"Pagdating natin sa bahay kailangan na nating pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyan. Hindi makatutulong kung patuloy kang maglilihim, Aya."

"I'm sorry, Auntie." Umiwas siya ng tingin at bumaling sa labas ng bintana. Kahit ang tiyahin niya ay hindi alam na si Javier ang ama ni Aki. Walang ibang nakakaalam maliban sa kanya. Handa na ba siyang buksan ang lihim na iyon sa iba kahit na kamag-anak pa niya si Rowena?

***
Nagbuhos ng alak sa whiskey glass si Javier at nilagok iyon habang hindi inaalis ang mga mata sa hard copies ng computer-aided designs ng bagong gusali ng Lextallionez Security Agency sa Cebu. He was done with the final touches. Pinasilip na niya iyon kay Edan kagabi at aprobado naman ng kapatid.

"Jav, sino ito?" Pumasok sa kanyang kuwarto si Vierra, bitbit ang cellphone niya.

Binawi niya paningin mula sa mga papel at bumaling sa ina.

"Who's who, Ma?"

Ipinakita nito ang nasa screen ng cellphone. Ang anak ni Myrre na kinunan niya ng picture kahapon. Kumunot ang kilay niya nang maalala ang sinabi ng bata. He is a boy but he looked like a girl. Mahaba ang buhok nitong may kulot, at ang damit na suot ay pambabae rin. Hindi niya makuha ang punto kung bakit.

"Anak siya ng kakilala ko."

"Not just cute, darling. I am thinking because she looks familiar to me. Ngayon alam ko na kung bakit, kasi kamukhang-kamukha mo siya noong bata ka," natatawang sabi ni Vierra. "Wait, kukunin ko ang phone ko. May ipapakita ako sa iyo." Ibinalik nito sa kanya ang CP niya at lumabas ng silid.

Kamukha niya ang bata? Lalong nagbuhol ang mga kilay ni Javier habang nakatuon sa picture. When he saw the kid back at the correctional, he too finds him familiar. Kaya nga niya ito nilapitan. Inisip niyang baka isa sa mga inaanak niya. Idagdag pa ang kakaibang bundol ng kaba sa kanya. It's raw and he can't explain. But now he understood why the child is familiar because he is looking at his own resemblance.

Bumalik ang Mama niya. "I know it's ridiculous, and there are instances about people having a look a like but this one is really different. Here," ipinakita nito sa kanya ang picture niya noong bata pa siya. "You're seven in this photo, just look at that, the resemblance is almost creepy, oh my God!" Singhap nito nang pagtabihin nila ang larawan niya at ang picture ng bata.

His breathing went heavy. It's unbelievable! Para silang pinagbiyak na bunga.

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Where stories live. Discover now