Hawak hawak ko na sa may beywang si Amy at dala dala ko na rin yung bag niya , sobrang tamlay niya at ang putla niya ngayon.

"Coleen?" Inantay ko nalang kung ano ang sasabihin niya dahil kanina pa naman ako nakatingin sa kanya.

"What If I told you that I love you?Would you love me too? What if I told you that I need you? Would you need me too?!" Nagulat naman ako sa sinabi niya sa akin, feeling ko namumula na ako ngayon dahil doon.

Hindi naman ako makasagot sa sinabi niya, hinawakan niya naman yung pisnge ko ngayon.

"Kumalma ka unti, kanta lang yun coleen hihihi" di ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kirot sa puso ko nung sinabi niya yun.

Napangiti nalang ako ng mapait at nagsimula na kami ulit na maglakad.

Nahiga na siya sa may kama at naupo nalang ako sa may upuan sa gilid nun.

"Kumain kana ba? Gusto mo bilhan kita ng makakain muna nang sa ganun ay magkaroon ka ng lakas?!" Tanong ko sa kanya pero umiling naman siya.

"Okay lang ako coleen hindi naman ako nagugutom sadyang gusto ko lang ng pahinga." saad niya at pumunta nalang ako sa may nurse para kunin na yung gamot niya.

Pagbalik ko ay nakapikit na yung mga mata niya balak ko na sanang gisingin siya ngayon para makainom na siya ng gamot pero hindi ko nalang ginawa dahil mukhang mahimbing na yung tulog niya.

Tinitigan ko nalang yung mukha niya, grabe kahit saang anggulo mo tignan ang ganda niya talaga.

Ang perfect package niya na maging jowa, napadako naman yung tingin ko sa labi niyang pinkish.

"Coleen nababaliw kana ba? Bakit mo pinagnanasahan si amy ah?" Mahinang sambit ko sa sarili ko.

Napatayo nalang ako dahil sa naiisip ko mamaya ko nalang siya gigisingin pagbalik ko, bibili na muna ako ng pagkain sa cafeteria.

Naglakad na ako patungong cafeteria at unting estudyante lang naman ang nakakasalubong ko sa hallway.

Nakapila na ako ngayon at yung inorder ko nga ay dalawang bottle of water and sandwich.

Agad na akong bumalik papuntang infirmirary baka kasi gising na si Amy ngunit pagdating ko ay natutulog pa rin siya.

Nilapag ko nalang yung pagkain na binili ko at Inopen ko nalang yung cellphone ko pansin ko na walang tao ngayon dito sa infirmirary.

Mukhang lumabas si Nurse Jen at Nurse Camille ngayon , napatingin nalang akong muli kay Amy.

Inayos ko ang kumot niya at hininaan ko unti yung aircon dito dahil nakikita kong nilalamig siya ngayon.

Hinawakan ko nalang ang mga kamay niya at chineck ko na yung temperature niya pero hindi pa rin bumaba yung lagnat niya.

Nasa 37.9 na yung temperature niya at kinakabahan ako dahil pataas ito ng pataas.

Ginising ko na muna siya para makainom na siya ng gamot pero laking gulat ko nang hilahin niya ako at napasubsub naman yung katawan ko sa may dibdib niya.

Niyakap niya lang ako at ako naman ay sobrang nabigla na halos hindi ako makagalaw sa posisyon ko ngayon.

"Ahm amy , umi-inom k-ka na muna ng gamot para bumaba na yung lagnat mo" nauutal na sambit ko sa kanya, bakit ka ba nauutal self? Sapakin kita eh.

"Saglit lang let me feel this moment coleen never ko pa kasing naramdaman ito eh" tugon niya sa akin, kinakabahan naman ako dahil baka marinig niya yung pintig ng puso ko.

Parang feeling ko nakikipag away na ngayon yung utak ko at tsaka yung puso ko, sobrang litong lito na ako sa nararamdaman ko.

Napakalas na siya sa pagkakayakap sa akin at iniabot ko na sa kanya yung tubig at gamot hindi naman ako masyadong makatingin sa kanya ng diretso baka mapansin niya kasi na namumula na yung pisnge ko ngayon.

"Coleen?" Tawag niya sa akin pero sa kurtina lang ako nakatingin ngayon

"Hmmp?" Maikling tugon ko sa kanya.

"Akala ko ba gamot yung ipapainom mo sa akin bakit , tubig at tinapay tong inaabot mo?" Napatingin nalang ako sa hawak ko nang sabihin niya iyun.

Medyo nagpanic naman ako kung saan ko nilagay yung gamot, kinapkap ko na yung dalawang bulsa ko at buti nalang ay nandoon ko lang nilagay.

"Ah shit! Sorry eto na oh" napangiti nalang siya ng unti dahil doon, ano bang katangahan yan coleen nakakahiya kana.

Ininom na niya yung gamot at sinabihan ko na siya na magpahinga na siya ngayon at tumango nalang siya.

6 Hours Later

Nagulat ako nang magising ako na nasa kama na ako at yakap yakap ko si Amy ngayon.

Napahiwalay nalang ako nang may biglang kumatok sa pintuan at agad na akong bumaba ng kama.

Buti nalang at hindi nagising si Amy dahil sa likot ko.

"Oh hi coleen? So tuloy ba tayo mamaya?" Napatingin nalang muna ako kay Amy bago ko balingan ng atensyon si Josh na nasa harap ko ngayon.

"Ah pwede bang next time nalang josh? Next week I guess" napangiti nalang siya ng pilit dahil doon.

Mag uuwian na rin kasi at hinihintay ko nalang na magising si Amy at ako nalang ang maghahatid sa kanya sa bahay nila.

"Ahm sure coleen, btw mauna na ako may training pa kami ng basketball eh" pagpapaalam niya at lumabas na siya ng infirmirary.

Naalala ko naman yung favor pala ni nile hindi ko pa nagagawan ng paraan, hays sa next next day na pala yung birthday niya at need ko na kumbinsihin si Gabb about doon.








Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💞

Miss Popular Meet Miss Nobody (COCES)Where stories live. Discover now