"Mamaya na natin pag usapan",saad niya at nginitian ako.

"Oh!Josh,andito ka na pala",saad ni Mama at yinakap ako.

"Ikaw naman kase! masyado kang subsob jan sa pag aaral mo kaya't tuwing biyernes ka nalang umuuwi",saad ni Mama.

"Okay lang yan ma!. Para tipid sa pamasahe. At o-okay naman yung dorm ko dun",sagot ko.

"Oh!sge na umupo kana rito at maghahain na ko",saad ni Mama at umupo na kami para magsalo salo.

"Buti nalang nandito si Jeyn,tinulungan ako magluto",sabi ni Mama .

"So mas gusto niyo na siya kesa sa'kin Ma ganun?",pang aasar ko kay Mama.

"Eh,bakit kase di nalang maging kayo!",biglang sabi ni Mama kaya't nabulunan ako.

"Ma!. Ano ba!?",pagmamaktol ko sakanya habang si Jeyn tumatawa ng palihim at napainom pa ng tubig na nasa tapat niya.

"Joke lang naman anak e!", pagdedepensa niya.

"Pero okay rin kung magkatotoo",saad niya para asarin ako.

Kaya sinamaan ko siya ng tingin Naging awkward tuloy yung harapan namin habang kumakain. Ang sarap ng ulam pero parang di ko malunok.

Nang matapos kaming kumain ay tumayo si Mama para linisan yung kapatid kong walong taong gulang.

"Malaki na pabuhat pa'rin kay Mama!"pang aasar ko sakanya at sinamaan niya naman ako ng tingin hanggang sa makataas sila ng hagdan papunta sa kwarto.

Pumunta ako sa second floor at sumandal sa barriers noon. Tinatanaw ang madilim na paligid at medyo malamig pa ang simoy ng hangin. I admit it was so boring not until may makita akong napakagandang bituin sa langit kaya't tinitigan ko iyon,parang inaakit ako sa bawat kislap niya.

Kinuha ko yung kwintas na napulot ko kanina at itinaas iyon para itapat sa bituing kumikislap sa gitna ng napakadilim na langit.

"Cassiopeia".

Beautiful.

Biglang sumagi sa isip ko yung babaeng muntik ng madulas sa waiting area ng bus.

Ba't ganun nalang ang naging reaksyon ko?

It feels so different.

Pakiramdam na hindi ko pa nararamdaman at siya lang yung nagparamdam sa'kin noon.

"Josh!",napalingon ako kay Jeyn at tinago sa bulsa yung kwintas. She sighed so heavy and stood up beside me. I also left out a heavy sigh before talking.

"Kamusta?. Anong problema?",tanong ko ka agad sakanya habang nanatili ang paningin niya sa kawalan.

"Family problem", saad niya, nginitian niya ko. Ngiti na sobrang ilap.

Kitang kita ko sa mga mata niya na may mabigat siyang pinag dadaanan.

"I'm not yet ready to share it with you e",saad niya di ko alam kung nagbibiro siya o ano pero rimerespeto ko naman ang desisyon niya.

"Ayokong umiyak sa harapan mo no",dagdag niya pa.

"Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo pang sabihin sa'kin yung problema mo,pero kapag handa kana, andito lang ako palagi",sagot ko at ngumiti siya sa'kin.

Ngiting parang may kakaiba.

"Ikaw?",baling niyang tanong sa'kin.

"Sa Manila?..pinag sasabay ko yung pag aaral at...pagsasayaw ko",saad ko at tumingin ng seryoso sakanya.

"Teka!. A-alam ba ni Tita to?",tanong niya at umiling ako.

"Hindi!",mariin kong sagot at ibinaling ang paningin sa kawalan.

"D-diba alam mo namang tutol siya sa pagsasayaw mo d---",hindi na niya itinuloy ang sasabihin ng maunahan ko siyang bigkasin yon.

"Dahil wala akong mararating",saad ko.

"Para sa'kin Josh,alam mo naman na susuportahan kita sa lahat ng gusto mo pero..wag ka naman sanang magsinungaling sa kanila",saad niya.

"Sasabihin ko din naman e,kapag may napatunayan na'ko",sagot ko

Bumuntong hininga siya at tumingin din sa kawalan.

"Alam mo...ngayon may isang taong naniniwala sa'kin kahit di ko siya kilala",saad ko.

Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

"Sabi niya na matutupad ko daw yung pangarap ko",dagdag ko pa. Napansin ko 'rin ang pag iba ng reaksyon niya.

"Kahit hindi ko siya kilala alam kong may naniniwala sa'kin",sabi ko at napatingin naman siya sa'kin.

"N-Naniniwala din naman ako sa'yo e",sagot niya. "Thankyou for believing me",saad ko at tumingin ulit sa kawalan. I imagined that girl is in my front. I want to thank him for encouraging me. Mga salitang lumabas sa bibig niya na hindi ko pa naririnig sa iba.

"And to the girl I met earlier...thankyou for believing me,I'm hoping that we may meet again"

I Fell Inlove With a FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon