Sinisigaw ng Dibdib, Bukambibig ng Puso

4 3 0
                                    

Pagkat ikay iniibig,
Mahika ay pagaganahin,
Pagmamahal mong tila tubig,
Puso kong nanabik na ito'y inumin.

Ningning na nakakasilaw,
Liwanag na tila sikat ng araw,
Puso ko'y nag-aapoy,
Sa pagmamahal mong dumadaloy.

Napakagaan sa dibdib,
Bulak kung damhin,
Ito'y sariwang hangin,
Pag-ibig mo'y kung langhapin.

Ibon ay nagsisiawitan,
Kasabay ang tambol ng aking puso,
Pagmamahal ko sa'yo'y aking ipag-sigawan,
"Mahal kitang sobra," mala mantra na litanya ng aking puso.

Word of Love, Draw of Hearts (Poem Collections)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα