Maskara

1 0 0
                                        

Dalagang nag iisa,
Nasa sulok nag durusa,
Tahimik kung makita,
Salitang di maipadama

Sa silid walang kasama,
Dilim na umuukupa,
Ingay nasaan na,
Kuliglig nalang pala

Unan ang kaibigan,
Sa gabi ay kailangan,
Luhang tumutulo lang,
Hikbing di mapigilan

Ngiting nakikita,
Sakit na nadarama,
Sayang pinapakita,
Nakatago sa maskara

Life ThinkingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon