"Oo nga coleen nagpa skin treatment ka lang pala tapos di mo pa kami sinabihan, btw sobrang ganda mo na ngayon coleen!Kinabog mo na yung magagandang mga estudyante din dito sa WDU" Sambit ni ella at nginitian nalang siya ni coleen at niyakap din dahil mukhang namiss niyang kasama si Brei at Ella.

"Matagal nang maganda si coleen, ella hay nako. Uhm mas lalo lang gumanda ngayon" rebat naman ni brei kay ella , napakamot nalang sa ulo si coleen dahil sa bangayan nila Ella at brei.

"Sorry dahil di ko kayo nasabihan agad at tsaka gusto ko lang pala sabihin sa inyo na si Amy ang tumulong sa akin" nagulat naman sila nang malaman na si Amy ang tumulong kay coleen.

"Ah kaya pala nagtataka din kami kung bakit Isang linggo din siyang absent , hmp kayo ah may something ba sainyo? Okay lang naman samin if meron diba Ella?" Napataas nalang ang kilay ni coleen dahil sa sinabi ni brei.

Nagtataka siya kung bakit naisip yun ni brei eh ganun naman talaga si Amy napakabait at matulungin na kaibigan.

"Mga baliw walang namamagitan sa amin ni amy wag kayong maissue dyanbah?" medyo defensive na tugon ni coleen kay brei natawa naman sila ella sa naging reaksyon ni coleen.

"Eh bakit may pa holding hands kayong nalalaman? Papasok lang ng room magkaholding hands pa" dugtong naman ni brei, napahawak nalang sa ulo si coleen dahil pati iyun nabigyan pa ng meaning.

"Mali ka ng iniisip brei, malilate na kasi kami kaya ayun hinila na niya ako at biglang tumakbo para makadating kami agad dito" pagpapaliwanag ni coleen dahil ayaw niya na iba ang isipin ng mga kaibigan niya.

Tsaka naiisip niya na di naman siya magugustuhan ni amanda dahil masyado itong mataas at parang ang hirap abitin.

"Hmmp okay sabi mo eh pero okay lang naman din kung si amy yung makakatuluyan mo since nasa kanya na ang lahat." ayun nalang ang nasabi huling sinabi ni brei habang si coleen ay napapailing iling na lang habang may ngiti sa mga labi.

Pagkatapos ng klase ay dumiretso na sila ng canteen dahil vacant nila ngayon.

Pinagtitinginan naman si coleen ng mga tao dito pero hindi niya na ito pinansin , nakahanap na sila ng upuan ngunit may bigla namang tumawag sa kanila.

"Coco! Dito na kayo maupo oh?!" Sigaw ni abby at nagtungo nalang doon sila coleen, brei at Ella.

Humingi na nga ng tawad si abelaine kay coleen nung makauwi ito ng bahay nila at pinatawad naman na siya agad ni coleen.

"Kanina pa kayo nandito ate abby? Wait parang may kulang ah?" Tanong ni brei at tumabi na ito kay lara , nagtaka naman sila ella at coleen dahil mukhang may namamagitan sa dalawa.

Alam na rin ni coleen na mag jowa na si sela at yung ate niya, naupo na si coleen sa kanyang upuan nang biglang gulatin siya ni Gabb.

"Hi coco! Hi din po ate abby! Pwede bang makisabay sa pagkain?" Pawis na pawis siya ngayon at pinupunasan niya yung mga pawis niya ngayon.

"Nako umupo kana Gabb di na need itanong yun dahil matik na oo ang sagot namin" Tugon naman ni lara dito at tumabi na siya kay coleen.

"Hi coleen long time no see ah! Totoo pala yung bali balita, Hmp na miss kita sobra bakit kasi di ka nagpasama sa akin mag pa skin treatment?" sabay yakap niya kay coleen, nabigla naman yung isa dahil doon.

Alam na rin nila brei at Ella pati sila Abby na matagal na may gusto si Gabb kay coleen ngunit ayaw pa nga nito umamin kay coleen.

Sa kabilang dako naman ay nakatingin lang si Amy sa kinauupuan nila coleen nakayukom ang kamay nito at napabusangot ng biglang yakapin ni Gabb si coleen.

"Makayakap akala mo jowa!" Sabay na sambit ni amy at frances nagtinginan lang sila pagkatapos nun dahil sa gulat na rin at pareho pa sila ng nasabi.

Nagtaka naman si Nile kung ano yung sinasabi ng dalawang kaibigan niya pero nagpatuloy lang siya sa pagkain.








Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💞 Spread Love Uwu 🤗 pasobrang Ud mamayang 12am ulit 🤭
Happy 5.9k Reads Everyone 🥰

Miss Popular Meet Miss Nobody Where stories live. Discover now