Kabanata 24

Depuis le début
                                    

"Sige. Maganda rin naman iyong pinakamaliit." pagsang-ayon ni Esme sa kanya.

Nanghiram ng itak si Vince mula sa isang lalaking kakababa lang mula sa puno ng niyog upang gamitin sa pagkuha ng halaman. He effortlessly took the plant out of its original place. Ni hindi niya ininda ang posibleng ahas na naroon. Binalewala niya rin ang mga talahib. Tuloy ay pakiramdam ko nanonood ako ng contender sa isang survival show!  

Nang makalapit sa'min, inilapag niya muna ang itak at bitbit na halaman upang pagpagin ang dumi sa kanyang kamay. He then returned the sharp object to the old guy.

Napunta naman ang tingin ko sa matandang lalaki. May nakataling sisidlan ng itak sa kanyang bewang at mayroon din siyang dala-dalang container na gawa sa kawayan which I don't know what for. Ang kabilang kamay niya naman ay may hawak na dalawang kayumangging niyog.

"Do they extract coconut juice from that?" 

Kay Esme ko sana itatanong iyon pero masyadong malapit si Vince at iyong lalaki para hindi nila marinig. I was pertaining to the brown coconuts the man was holding.

"Hindi. Hindi na presko ang katas ng mga niyog na yan Miss dahil matatanda na. Those coconuts are for cooking purposes. Puwedeng sa ginataan," si Vince.

"Basin ganahan siya moinom ug butong dong." sabi ng matanda, hindi ko na naman naintindihan.

"Basin 'tay."

What's 'basin'? Iyong 'tay lang ang naintindihan ko, eh.

Napangiti ang matanda at napatitig sa'kin. His eyes were reflecting so much amusement.

"Uyab nimo dong?"

Narinig ko ang hagikhik ni Esme kaya na-curious ako sa kung anong ibig sabihin ng tanong na iyon. Napalingon naman si Vince sa'kin at agad na umiling. That made me certain that they were talking about me.

"Dile 'tay."

"Puhon daw kuno 'tay," pahabol ni Esmeralda.

Anak ng. Ano ba ang pinagsasasabi nila?! OP na ako masyado. Hello, narito pa po ako. Hindi naman siguro nila ako minumura 'no?

"Tatay was collecting Tuba earlier, Miss. Iyon ang laman ng dala-dala niyang lalagyang gawa sa kawayan." paliwanag ni Vince kahit hindi naman ako nagtatanong.

Nakaalis na ang matanda kaya naiwan kaming tatlo.

"Isa si Tatay sa nagbebenta ng Tuba rito sa isla, Dindin." 

"Eh iyong usapan niyo kanina? Pinagchismisan niyo ba ako?" I narrowed my eyes.

Ngumisi si Esme pero agarang napailing nang makita ang seryosong si Vince.

"Baka raw gusto mong uminom ng buko." 

"Nagtatanong rin kung kasintahan ka ni kuya, dzai." 

My eyes widened for a bit.

"And?" tinaasan ko ng kilay si Vince.

"I said no, you aren't. Bakit? May iba pa bang dapat sagot?" kumunot ang noo niya.

I rolled my eyes.

"Aba. Malay ko kung ipinangangandalakan mong girlfriend mo ako. Hindi ko pa naman maintindihan ang lengguwahe niyo rito."

Humalakhak si Esme. Sumama naman ang ekspresyon ni Vince.

"You're such a feeler."

"Oh, bakit? Ni hindi mo nga sinagot ang tanong ko kahapon. Guilty," 

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant