Prologue

22 1 2
                                        

"Ella, gumising ka na't may pupuntahan tayo ngayon. Susunduin natin 'yung mga pinsan mo galing sa Santos City," bungad sa 'kin ni Mama at dahilan ng pagkawala ng antok ng diwa ko dahil sa mga pinsan ko

Nakakamiss na rin, limang taong gulang palang ako noong huli ko silang nakita. Ngayong 12 years old na 'ko ay muli ko sila ulit makikita

Pagkatapos ko maligo ay kita ko 'yung pinsan kong bakla sa sala namin, halatang sasama siya sa pag sundo ng mga pinsan ko. Siya si Kuya Ramil, siya ang kasa-kasama ko simula pagkabata ako, dahil wala akong kapatid

"Hoy, gaga ka! Ang tagal mo maligo, kanina pa ako naghihintay sa iyo rito!" Pasermon ng pinsan ko sa akin ng dahilan ng pagkabilis kong mag ayos

Nagsuot ako ng yellow shirt na fitted at nagmaong short ako ng color black. Pinartner ko ito ng flat sandals at kinuha 'yung sling bag ko. Kasama ko nga pala ang Lola ko sa biyahe, at siya ang nagsandalan ko ng ulo noong nakatulog ako sa kalagitnaan ng biyahe

Hindi sa Santos City ang punta namin, dahil masyadong malayo ito. Doon sa Lopez City namin sila kinuha. Medyo malayo layo 'yon sa kanila, mga apat na oras ang biyahe, at kami naman ay dalawang oras lamang

Pagkadatnan namin roon ay bungad samin ang tito Nathan ko at mga pinsan ko na si Kuya Nathaniel at ate Nathalie. Hindi sasama si tito Nathan sa amin, hinatid lamang niya ang mga anak niya

"Isabella, mga pinsan mo oh!" Sabi saakin ng Lola Allie ko at bilis nila akong niyakap, niyakap ko naman sila pabalik

"Kamusta ka na? Hala, ang ganda mo," bati sa akin ng pinsan kong si ate Nathalie

Isang agwat lang ang pagitan namin ni ate Nathalie at dalawang agwat naman ang pagitan namin ni Kuya Nathaniel. Ngunit, ang pagkakataka ko ay mas maliit pa sa akin si Kuya Nathaniel at Ate Nathalie, iyon ang dahilan ng pag tawa kong mag isa sa loob ng sasakyan

Wala kaming ginawang apat at nag cecellphone na lamang, medyo sumikip na rin ang sasakyan dahil nadagdagan ng dalawang tao sa loob nito, kaya hindi namin magawang maglaro sa loob

"Hi! Ako si Ramil, pinsan niyo rin," pabati ng pinsan kong bakla at ngumiti ito, ramdam ko ang hiya ng dalawa kong pinsan at ngumiti sila

"Nathaniel,"

"Nathalie,"

Pakilala naman ng dalawa kong pinsan ka'y Kuya Ramil. Nakauwi na kami sa bahay at wala kaming ginawa kundi kumuha ng litrato samin para ipadala sa tatay nila gamit ang messenger . Hindi ko masyadong close si kuya Nathaniel kaya si ate Nathalie ang kasa-kasama ko

"Laki mo na ah, ilan taon ka na ulit?" Tanong niya sa akin at ngumiti

Hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mukha, kuhang kuha niya ang ngiti ng mama niya at shape ng mukha. Habang si Kuya Nathaniel naman a kuhang kuha lahat ng mukha ng kanyang papa

"12 years old, ate" Sagot ko naman rito at dahilan ng pagkagulat niya

"12 years old ka palang? Ang tangkad, tangkad mo na ah!" Sabi niya ulit sa akin at ngumiti na lamang ako

Habang tumatagal ay cellphone lamang kami ng cellphone ng pinsan ko hanggang sa niyaya na kaming kumain

Habang kumakain ako ay mag biglang tumawag sa messenger ko ng dahilan ng pagkagulat ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil naka kamay lamang ako habang kumakain, nagulat ako ng dala dala na ni ate Nathalie ang isang tabo na may lamang tubig para ibigay sa akin

Naghugas ako ng kamay at sinagot 'yung tawag sa messenger ko. Ang pinsan ko pang isa na si ate Zen

"Hi ate?" Patanong ko kung bakit siya napatawag

Until The End Donde viven las historias. Descúbrelo ahora