Chapter 17: Doktor

Start from the beginning
                                    

Lumiko ako sa isang daan at nasilayan ang mga kabahayan. Puro building ang nasa likuran ko ngunit isang liko lang ay bubungad na ang mga bahay. Simpleng two-storey house ang mga disenyo, pare-pareho ang kulay at ang tanging naiiba ay ang bilang na nasa pinto ng mga bahay.

"Nasaan ang bahay nila?!" bulong ko sa sarili.

Akmang hahakbang ako upang maglibot nang biglang may humawak sa kamay ko. Agad na uminit ang ulo ko sa pag-aakala na si Yuan iyon pero nagkamali ako. Bumungad sa akin ang maamong mukha ng babae at sa kaniyang kaliwang kamay ay may hawak-hawak siyang basket na puno ng tinapay.

May kalahikan ang kaniyang mga mata, mahaba ang mga pilik mata. May kapayatan din at tuwid na tuwid ang kaniyang buhok. Mukhang kaedaran ko lang rin ang isang ito.

Ngumiti ito at bahagyang itinagilid ang ulo.

"Nais mo ba ng pandesal?" tanong niya. Inilahad niya ang basket ng tinapay. Pandesal pala ang tawag dito? "Mura lamang ito—"

"W-wala akong pera," putol ko sa kaniya. Mukhang tagarito naman siya kaya hindi masamang magtanong ako. "Uh, may nakita ka bang babae na maraming galos at— kasa-kasama ng lalaking malaki ang katawan—" Natigilan ako nang manlaki ang mga mata niya.

"Ang Ina, ho?"

Pasimple akong napahinga ng maluwag nang marinig ang una niyang sinabi. Akala ko minura ako.

"Nanay mo 'yon? N-nasaan ang bahay—" Napatiim-bagang ako nang may magsalita sa likod ko.

"Kimmy..." Malalim at tila nag-uutos ang boses ni Yuan.

Nasulyapan ko ang panlalaki ng mga mata ng babae at bahagya pang yumuko upang magbigay-galang kay Yuan. Hindi naman siya mukhang takot, gawa lang siguro ng respeto at pagkagulat.

"D-Doktor," usal ng babae na ikinataas ng kilay ko.

Hindi ko ito nilingon at bumaling sa babae. "Nasaan ang bahay n—"

"Kimmy!"

Tila hindi magkandaugaga ang mga mata ng babae sa palipat-lipat ng tingin sa aming dalawa. Bumaling ako rito at sinamaan siya ng tinggin. Sa likuran ni Yuan ay nakita ko ang paparating na si Venus na hapong-hapo pa.

"N-nais ko hong malaman kung bakit nais niyong makita ang aking ina?" tanong niya. "Elocin ho ang pangalan ko kung sakaling nais niyong malaman."

Narinig ko ang mga mabibigat na yabag ni Yuan at mga malalim na buntong-hininga.

"Sumama ka sa amin,"

Mabilis pa sa alas kwarto ang ginawa kong paglinggon kay Yuan nang sabihin niya iyon. Kapagkuwan ay napabaling ako kay Elocin na ngayon ay hindi makapaniwala sa alok ni Yuan.

"A-ako ho, Doktor? Ngunit b-bakit ho—"

"Huwag ka na lamang magtanong ng kung anu-ano." Tumayo siya ng tuwid at itinaas ang bahagya ang baba. "Bibilhin ko ang paninda mong mga tinapay kung iyan ang iyong inaalala." Tumalikod ito sa amin. "Halika na... anak," aniya kay Venus.

Tumango si Venus at bahagyang ngumiti. "Opo, ama!"

Mabagal silang lumakad paalis. Napabaling ako kay Elocin na hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Tumango ako sa kaniya at ngumiti, maya-maya ay hinawakan ko ang kaniyang kamay at sumunod kay Yuan.

Tumabi ako kay Venus sa paglalakad. Magkahilera kaming apat. Una si Yuan, pangalawa si Venus, pangatlo ako at panghuli si Elocin.

Bahagya kong sinagi si Venus at napabaling ito sa akin. "Bakit ho, Inay?" Umikot ang mga mata ko sa sinabi niya.

Peripéteia of Malakós (Filipino Sci-Fi Novel)Where stories live. Discover now