"Happy Birthday," bulong ko.

Humalkhak si Mara at hinagod ang likod ko. "Thank you, Torry," bulong niya din.

Sumimangot ako. "Maglalasing sana ako hanggang umaga at dito na lang matutulog..."

Umiling siya. "Papagalitan ako ni Sir! Baka sisantihin pa ako!" pasigaw na bulong niya.

Naghiwalay din kami agad at magpaalam sa mga magulang ni Mara. Pinatunog ni Lucas ang kumikinang na itim na kotse. Nag-iisang magarang sasakyan na naka-park sa mga hilera ng single na motor, sidecars at mga lumang kotse.

Pinagbuksan ako ni Lucas ng pinto at ng akmang sasakay na ay tinawag ako ni Mara. Tumatakbo siya sa akin habang bitbit ang cellphone ko. Bahagyang umatras si Lucas ng inabot ni Mara sa akin iyon.

"Salamat," ani ko at ngumiti. "Sa lunes na lang iyong regalo ko ah." Kindat ko.

Ngumisi siya. "Aasahan ko 'yan. House and lot na lang sana,"

"Sira. Isang sakong lupa pa iregalo ko sayo malaman mo,"

Tumawa siya at nagpaalam na ulit. Lucas' hand covered my head in case it'll bump with the car roof. Kita ko ang ngising-aso ni Mara bago nagsara ang pinto. Pumasok na din si Lucas.

Nakasampok na ang mga kilay niya pero lalo lang sumampok ng tumingin siya sa akin. Seryoso ang ekspresyon nitong lumapit sa akin at nilagay ay seatbelt ko.

Napahinto ako sa paghinga at naduling sa lapit ng mukha niya sa akin. Humigpit ang kapit ko sa tote bag sa kandungan at cellphone na hawak. Nalanghap ko ang samyo ng mamahalin niyang pabango. Dumagundong ang puso ko.

Nakahinga lang ng maluwang ng bumalik na siya sa upuan niya at siya naman ang naglagay ng seatbelt habang mariin sa aking nakatingin.

"Ano bang problema mo?" anas ko.

Natawa siya. Galit iyon na tawa. Hindi siya sumagot at pinaandar ang makina. Humalukipkip ako at pinanatili ang mga mata sa labas ng bintana. His viens were portruding from his arms whil I saw how his knuckles turned white as he gripped tightly the steering wheel.

Sandali lang ang naging biyahe kaya nakarating kami agad sa parking lot ng resort. Sandali lang pero parang kinakapos ako sa hininga sa tensyon na nasa ere.

Agad kong kinalas ang seatbelt. Baba na sana ako ng hindi ko mabuksan dahil lock ang pinto. Binalingan ko siya sa naniningkit na mga mata.

"Buksan mo,"

"What are you doing with that boy? He's hands were all over you and you're just letting him?" tumaas ang boses niya pero mas lalo lang nag-alab ang galit ko.

"Wala kang pakialam—"

"Do not fucking tell me that I shouldn't care because goddamn it! I do, Vittoria! I like it or not, I really do care!" tumaas-baba ang dibdib niya habang umiigiting ang panga.

Kinabahan ako sa intensidad ng mga titig niya at mas tumindi ang masidhi niyang presensya. Nanlalambot ang tuhod ko pero hindi ko iyon ininda.

"Pwede ba, Lucas? Hindi nga kita pinapakailaman sa ibang babae mo!" Lalong-lalo na kay Astrid.

Pinagtagis niya ang mga ngipin at parang manununtok na. "Anong babae ang sinasabi mo? Can't you see that I can't take my eyes and hands off you tapos pinaparatangan mo akong may ibang babae?"

Mapakla akong natawa. "Baka kasi akong ang ibang babae, Lucas? Baka ako ang side-chick?" panunuya kong saad. Nangilid ang luha ko sa pinaghalong inis at sakit.

"What are you talking about?" nanghihina niyang tanong. "I was calling and texting you hundred of times pero hindi ka sumasagot! Sasabihin ko sanang ma-li-late ako ng paghatid sayo at ipapahatid na lang kita sa personal driver ko kung hindi ka makakapaghintay sa akin. Someone drowned in the resort and I have to give a statement to the authority for the sake of the resort's reputation and to prevent further feuds," pakiusap na ang eksplenasyon niya. Nagmamakaawa na pakinggan ko siya.

Sweet Vittoria ReignsWhere stories live. Discover now