Crush

3 0 0
                                    

Hi crush,
Isa nga pala ako sa iyong mga tagahanga
Alam kong marami sa iyong nagkakandarapa
Napakaimposible talaga para sayo na ako ay iyong makita
Kaya nga pag amin ay hindi ko sayo magawa
Idadaan ko nalang siguro dito sa tula.

Tandang tanda ko pa noong una kitang makita,
Unang araw noon ng eskuwela
Tumayo ka sa iyong upuan at saka pinagsulat ng guro sa pisara
Noong lumakad ka papunta sa gitna
Ginoong kay gwapo ang aking nakita.

Mga mata ko, iyong agarang nakuha
Maging ang puso ko narin nga
Kailan kaya kita makukuha?
Bagyo pa nga yata ay nagbabadya
Nararamdaman ko'y baka agusin ng baha.

Bawat pasok ko sa eskwela, nagbabakasakaling ikaw ay dadaan
Buo agad ang araw ko ikaw lamang ay masilayan
Makuha lamang kita handang ipagmalaki sa buong bayan
Hinding hindi ikaw ipagkakaila iyan ang iyong asahan

Abuhin mong mga mata, nais kong ako lamang ang titigan
Ang Labi mo ako lang ang dapat halikan
Mga kamay mo nais kong ako lamang ang hawakan
Mga braso mong ako lamang ang dapat protektahan
Iyan ngayon ang aking nasa isipan.

Pasasaan ba at makukuha din kita.
Kahit nababalitaan ko pang may gusto kang iba,
Sus! iiwan ka din nila.
Wala ka sa kanilang mapapala,
Masasaktan ka lang at mga babae ay iyong isusumpa.

Huwag mo ding sisihin si bathala
Saakin ka kasi talaga nakatadhana
Lingon ka lang sa likod mo para ako ay iyong makita
Huwag lamang tuluyang maiagos ng sapa
Ang nararamdaman ko sayo at baka ito ay mawala.

Kumatok ka lamang sa aking pintuan,
Asahan mong ikaw ay aking agarang pagbubuksan
Narito lamang ako mag isa sa aking palasyo
Iniintay ko ang pagdating mo
Pag pumasok ka dito, samahan mo na ako hanggang dulo

Patuloy akong titingin sayo sa malayo
Pag-ibig ko sayo ay hindi ko isusuko
Ikaw lang ang nais ko iyan ay pangako
Patuloy na aasa na ikaw ay para saakin talaga
Wag na wag mong kakalimutan na sa simula palang minamahal na kita.

Karagatan nga ay lumalakas ang alon
Malakas Din ang agos ng tubig sa talon
Pagkalunod ko sayo ayaw ko ng umahon
Kahit abutan pa ako ng dapit hapon
O kaya naman magsimula pang umambon

Katulad ng kalangitan, pag ibig ko sayo ay walang hanggan
Hinding hindi mawawala kahit saiyo ay may mas gwapo man
Umaga man o gumabi nanaisin ko parin sa iyong tabi,
Ninanis kong masilayan palagi ang iyong mga ngiti,
Hanggang dito na lamang at ako na sa amin ay uuwi.

CrushWhere stories live. Discover now