Chapter 95: More Intact

Start from the beginning
                                    

"Hindi ako nag-o-overthink, sabi ko nga sa 'yo... Bigla ko lang binalikan ang mga nangyari. May mga dumb moves lang ako na nagawa."

"E 'di nag-o-overthink ka nga?" He chuckled.

"Hindi ng—" I rolled my eyes. "Okay, fine. Nag-o-overthink ako. Happy tayo doon?"

"Okay lang na manghinayang ka for five minutes, pagkatapos ng five minutes ay tuloy na ulit. Your feelings is valid afterall." He stated. "Saka bakit parang takot ka magkuwento sa akin ngayon nang iniisip mo? Ija-judge ba kita? Dagukan kaya kita?"

Alam na alam ni Dion kung paano ako mapapatawa sa mga mabibigat na conversation.

"Ayoko po kasing sirain 'yong mood mo. We just won and I know ang happy ng puso mo right now. Ayoko naman na hawaan kita ng negative thoughts ko." I honestly said.

"Hindi ako magiging masaya hangga't pinoproblema mo 'yong mga nangyari kanina. Your happiness is always be part of my happiness." I paused for a second and deeply looked into his eyes. The corner of his eyes crinkled. "Uy napatigil, kinilig ka naman bigla."

Napailing ako. "Alam mo Dion, we are together for a couple of months already, I am not affected by your words anymore." Of course, chika lang 'yon. Walang araw na hindi ako nagawang pakiligin ni Dion.

Si Dion 'yong tipo ng tao na mahuhulog ka sa mga small gestures niya. Ang laking bagay nang pagiging gentleman ni Dion.

"Dion, bakit hindi tayo nag-aaway?"

His brows scrunched. "Gago ka ba? Bakit? Gusto mo ba nag-aaway tayo? Ikaw 'yong girlfriend na ang laki ng sapak sa ulo."

Natawa ako. "I mean, wala kang kalokohan. Gusto ko lang ma-experience 'yong inaaway kita kahit once lang, like 'yong malalang away. Hindi naman kita masita sa gaming mo kasi parehas tayong gamer."

"Ang pangit ng idea mo." He cupped my face using his right hand kung kaya't napanguso ako. He pinched my cheeks at mahina siyang natawa. "Ingat na ingat ako sa relasyon natin kaya bakit ako gagawa ng rason para magalit ka? Ikaw 'yong babae na nai-imagine ko na dadalhin ko sa altar at gagawin ko ang lahat para makarating tayo sa point na 'yon. Tapon mo 'yong idea mo na 'yan bago kita dagukan."

Naputol ang pag-uusap naming dalawa noong marinig namin ang sigaw ni Noah. Inis niyang tinitingnan si Larkin na nakaharang sa pinto. "Kakausapin ko lang si Bespren! Ako kaya nagbuhat ng laro!" Inis na sabi ni Noah kay Larkin.

"Shhh. Batang scammer, deserved ni Boy Pipe ang katahimikan ngayong araw." Talagang pinanindigan ni Oppa na bibigyan niya nang katahimikan si Genesis. He even posted a bond paper sa may pinto na may naka-print na: Ban si Noah dito.

"Ha, tingnan mo 'to ha! Si Genesis pa mismo magpapapasok sa akin diyan sa loob ng room." Confident na sabi ni Noah. "Bespren! 'di ba gusto mo akong kausap?! Papasukin mo ako, 'di ba?!" Noah shouted para marinig ni Genesis sa loob.

"Hindi." Tipid na sigaw ni Genesis at natawa kami nila Oppa sa epic reaction ni Noah. Sinasabi ko na nga ba, one-sided lang ang friendship nilang dalawa.

Well, honestly speaking, si Noah lang naman ang nakakagulo sa buhay ni Genesis. As the Captain of Orient Crown, I respect everyone's privacy especially kay Genesis. Sobrang introvert and cutie (his traits are so cute) ng batang iyan. Kapag nakikita ko si Genesis ay gusto ko siya parating painumin ng Milo para magka-energy man lang.

"Oh, 'di ba? Sabi ko sa 'yo gusto niya ako kausap." Noah said.

"Ulol." Itinalikod ni Larkin si Noah at tinulak papaalis. "Lumangoy ka doon. Huwag mong guluhin si Boy Pipe."

Inis siyang tiningnan ni Noah. "Mukha kang kite sa perya dahil sa kulay ng buhok mo. Pangit." Tumakbo  si Noah at hinabol naman siya ni Larkin. Nabigla ako noong kumapit sa akin si Noah at ginamit na panangga against Larkin.

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now