Ito na siguro ang isa sa pinaka masayang araw ko. Kasama ko ang pinakamamahal ko. Hinding-hindi ko malilimutan ang araw na ito.
Sabay ng paghampas ng hangin sa balat ko ay ang mga masasayang bagay na naiisip ko habang kayakap ang taong mahal ko. Ang taong pinangarap ko at ipinagdasal ko sa may kapal.
Kung pwede lang hilingin sa kanya na wag na sanang matapos ang araw na ito. Na kung pwede lang ay manatili nalang kami sa ganito. Kung pwede lang sana patigilin ang oras ay ginawa ko na. Makasama lang ng matagal ang taong mahal ko.
Kaso lahat ay may katapusan.
Malapit na kami sa likuan nang may masilayan kaming isang nakakasilaw na ilaw. Isang nakakabulag na liwanag na para bang sinakop nito ang buong paligid.
Naramdaman ko na nawalan sya ng kontrol sa manibela. At sa hindi inaasahang pangyayari, ang saya at kapayapaan na nararamdaman ko kanina ay nabalot ng takot at pag-aalala.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarinig ako ng mga nakakabinging tunog ng sirena galing sa ambulansya o sasakyang pampulis. Hindi ko na alam kung sino ang mga dumadating. Naguguluhan man ay pinilit kong imulat ang aking mga mata ngunit katulad lang kanina ay puro liwanag lang din ang aking nakita.
Sa sobrang panghihina ay tanging mga bulong nalang sa paligid ang narinig ko. Ngunit isang bulong lamang ang narinig ko ng sobrang linaw.
Isang bulong na kinilala hindi lang ng pandinig ko kundi pati ng puso ko.
Ayokong maniwala, ayokong bumitaw sa yakap nya. Ayokong iwan sya. Ayokong gumalaw pero kahit ako ay tinatraydor ng katawan ko.
Hindi sapat sa akin na marinig lang sya, gusto kong malaman kung ayos lang ba sya pero dahil sa hina ng katawan ko ay di ko na magawa pang makapagsalita at sagutin sya.
Ni paglingon ay di ko kayang gawin.
"Paalam, mahal ko."
...
Iminulat ko ang aking mata at nagsusumigaw. Yung bangungot na namang iyon. Paulit-ulit nalang itong lumalabas sa panaginip ko na para bang isang alaala na pilit isinisiksik sa utak ko.
Dahil dito ay sumakit muli ang sintido ko dahilan upang magsusumigaw ako at magwala sa higaan.
Habang hawak ang aking ulo at patuloy na sumisigaw ay nagwala na ako sa buong silid. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko basta ang alam ko lang ay gusto kong mawala ang sakit ng ulo ko. Gusto kong tanggalin ang sakit na nararamdaman ko sa ulo at sa dibdib.
Parang tinutusok ng bangungot na yun ang utak ko at dinudurog ang puso ko.
Sa tuwing matutulog ako, walang araw na hindi ko iyon mapapanaginipan na para bang ito lang ang pinaka importanteng kaganapan sa buhay ko.
Na para bang umiikot doon ang mundo ko.
Na hanggang ngayon malinaw parin sa utak ko ang mga salitang 'Paalam mahal ko.'
Kahit hindi ko alam kung para ba sa akin ang mga salitang yun o pinaglalaruan na naman ako ng utak ko. Nakatatak na sa akin na ito ay binuo lang ng utak ko para saktan ako.
Patuloy akong nagwala at dahilan para tumunog na naman ang nakakairitang alarm sa kwarto ko. Nakakita ako ng grupo ng mga taong nakaputi na patakbo sa kwarto ko. Hindi ko sila pinansin at patuloy parin ako sa pagwawala. Binuksan nila ang gate at pumasok. Hinawakan ako ng dalawa sa kanila habang ang isa ay may hawak na kung ano na parang ituturok sa akin. Siguro ay para pakalmahin na naman ako.
Palagi nila akong tinuturukan at epektibo naman dahil kumakalma ako. Hindi narin ako nag-aabala pang itanong kung ano yun. Dahil sa tuwing ginagawa nila ito ay nawawala narin ang bangungot sa utak ko kahit saglit na oras lang.
Mas lalo akong nagwala hanggang sa makaramdam ako ng panghihina. Bago ako tuluyang mapapikit ay naramdaman kong inilagay ako ng dalawang nakaputi sa higaan habang ang isa naman ay inihanda na ang kung ano mang tabletas at inilagay ito sa di-gulong na lamesa, at saka sila tuluyang lumabas at ikinandado ang gate.
Gising ang diwa ko pero ang katawan ko ay pagod na. Tila ba sumuko na ito sa pagwawala at tinanggap nalang na isa na akong mahina.
Magulo ang isip ko pero di ko na kaya. Ang sakit ng puso ko sa hindi ko malamng dahilan. Para akong dinudurog at unti-unting pinapatay dahil sa matinding lungkot.
May mga bagay na gusto ko na matapos. Pero may mga bagay akong gusto kong manatili.
Unti-unting lumabas ang luha sa mata ko. Ang mga bangungot na yun na parang mga alaala sa buhay ko na nag-iwan ng matinding trauma.
Kung ano man ang nangyari nung araw na iyon, at higit sa lahat ay kung sino man ang nagsabi ng mga salitang yun.
Na parang kilalang-kilala ng puso ko.
Kung sino ka man, sana ligtas ka.
...
Pliagirism is a crime!
This is a work of fiction. Names, character, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictions manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental.
This novel contains violence that may not be suitable for young readers. Please read at your own risk.
All Rights Reserved.
Maryjoybueno. 2026.
YOU ARE READING
Lunatic One
Romance"Lagi mong tatandaan... na mamahalin kita kahit hanggang kamatayan man..." "Pano kung mawala ako sa katinuan?" "Edi sabay tayong mawawala sa katinuan" .....
