CHAPTER 2:
7 YEARS LATER
" M-mooommmy... " malakas na sigaw ng isang batang lalaki habang tumatakbong palapit sa inang abala sa pagluluto.Natatawang lumingon si Rose alam na alam niya ang boses ng anak.Kaya saglit na iniwan muna niya ang ginagawa para salubungin ang anak.
"Be careful honey, madapa ka."aniya ng yumakap ito sa kanya.
"Hmm, im big boy na mommy dont worry.!anito pa na pinupog ng halik ang ina.Pinabayaan lang niya ito." Bango talaga ng mommy ko, amoy bawang at sibuyas." anang bata ng kumalas sa kanya.
"Ah,ganun pala ha..eto saiyo.."aniya na masuyong hinatak ang anak para kilitiin ito.Nauwi tuloy sa matinis na tili ang maririnig.Nangingiti nalang ang mga kumakain sa eksena na yun.Sanay na kasi sila sa kulitan ng mag-ina.
Naiiling din na pinagmasdan ni Lynne ang mag-ina.Siya ang kasama ng bata sa school nito dahil busy ang ina nito sa dami ng order sa kanilang karinderya na pinangalangan nilang "Miguel's Bakeshop and Eatery" kuha sa pangalan ng bata na Miguel Zedric.Masasabi niyang ang mag-ina ang swerte niya dahil muling nabuhay ang naluluging karinderya ng yumaong na ina.Dinadayo na din ang karinderya nila.Ngayon tumatanggap na din sila ng mga order na cakes o panghanda.At nagpapasalamat siya kay Rose sa galing nito sa pagluluto.Ito na din talaga punong abala sa lahat.Hindi siya biniyayaan ng galing sa kusina kaya katu-katulong nalang siya ng kaibigan.At dahil palago ng palago ang kainan nila kumuha na din sila ng apat na kasama nila.
"Tama na yan,nagiging center of attraction na naman kayo.Kita niyo na kayo na ang pinapanood nila."Natatawang saway niya sa mag-ina.
"Tita Lynne naman eh, Im happy lang naman po, eh."habol hiningang sagot ni Miguel.
"Haha,oo nga naman Lynne,bakit mo ba kinokontra ang pinakamatanda nating kasama dito."natatawang biro ni Rose sa anak,inayos na din niya ang sarili.
"Ay, ewan.. Wala na akong sinabi.." anang dalaga.Miguel sabihin mo na sa Mommy mo ang sorpresa mo."
"Si Tita Lynne talaga,bakit po ninyo sinabi,hindi na sorpresa eh,"kunwariy nakasamingot na sabi ng bata at may dinukot sa bag.
Naiiling na napakamot nalang si Lynne sa sinabi ng bata.Napakabibo talaga nito at parang matanda ng sumagot sa edad na 6 na taon.
"Hahaha..may sorpresa pa talagang nalalaman ang pinakapogi kong anak ah."tumingin siya kay Lynne wariy naghahanap ng clue sa sinasabi ng mga ito.Umiling lang ito bilang sagot.
"Dyarann, Mommy I won a first place po sa contest.And I recieve po ng certificate best in math."proud na proud na ipinakita ng bata sa ina ang hawak."This is my christmas gift to you,I Love you, Mommy."
Hindi mapigilang pangiliran ng luha si Rose ng mga sandaling iyun.Naantig ang pusong ina niya sa sinabi ng anak.Niyakap niya ng mahigpit ang anak."Im so proud with you son and mommy love you so much." aniya at hinalikan sa pisngi ito.
Naantig naman lahat ang damdamin sa mga nakasaksi sa tagpong iyun.Rinig pa niyang suminghap ang mga ito at may ilang nagbulungan na napakaswerte niya sa anak.
"Mommy,I can breath ang higpit po ng yakap ninyo." maya-maya reklamo nito sa ina.
"Im just happy anak,you dont how happy I am."
"Mommy,your happy but your crying."
"Tsss,ang galing talaga ng reasoning mo Miguel.Hindi naman lahat ng umiiyak ay di happy,syempre tears of joy ito anak."
"Haynaku sinabi mo pa,di na nga makapaghintay na matapos ang bigayan ng awardings dahil excited ng umuwi para ipakita saiyo na nanalo siya.Halos hatakin na niya ang sasakyan eh," pagkukwento ni Lynne dahil ito ang sumama sa bata para bantayan sa ginanap na contest ng eskwela nito.
