Chapter 1️⃣

1 0 0
                                    


LETICIA'S POV

"Hello, Mom?" Tanong ko sa kabilang linya nang biglang tumawag si mama.

"Anong oras na Isha," nag-aalalang usal nito. Napatingin ako sa labas ng mall pero ang lakas pa rin ng ulan. Mahaba pa ang pila sa sakayan ng taxi.

"Ma, seven pa lang ng gabi at saka malakas ang ulan. Patitilahin ko muna bago ako umuwi," malambing na sabi ko para mapanatag na siya.

"O siya. Basta umuwi ka kaagad kapag tumila na ang ulan," nag-aalala pa ring sabi ni Mama saka niya ibinaba ang tawag.

Ibinulsa ko ang phone ko saka niyakap ang sarili ko. Napakalamig kasi sa bukana ng mall kung saan ako nakatayo. Dahil hindi ko na makayanan ang lamig ay pumasok na ulit ako ng mall para maghanap ng makakainan dahil gutom na rin ako.

Naglibot muna ako sa first floor nang magsawa ako sy umakyat ako ng third floor dahil nandoon ang ibang kainan. Pumasok ako sa isang pastry shop at nakitang halos puno na ang mga tables. Mabuti na lang at may dalawang bakante pa. Mabilis kong inilapag ang bag ko na walang laman kun'di wallet ko lang at naupo na.

"Ma'am, may I ask your order?" Tanong ng crew dito sabay lapag ng menu card sa lamesa. Ini-scan ko muna ang card bago nagpasya ng order.

"Isang cup ng hot chocolate drink, isang slice ng cheese cake at isang slice ng ube cake," nakangiti kong order sabay abot ng menu card sa crew. Umalis naman ito kaagad.

Inilabas ko mula sa bulsa ko ang phone ko para mag-facebook habang hinihintay ko ang order ko. Makaraan ng mahigit limang minuto ay dumatin na rin ang order ko kaya kaagad kong nilantakan ang cakes dahil gutom na talaga ako.

Hindi ako sure pero nararamdaman ko na may nakatitig sa akin. Hindi naman 'yung tipong nakakatakot pero na-conscious ako bigla. Pasimple kong inilibot sa buong shop ang mga mata ko nang dumako ito sa lalaking walang pakundangang nakatingin sa akin. Kahit noong napatingin ako sa kanya ay hindi man lang ito nahiya na nakatitig sa akin kahit nahuli ko siya.

Ako na lang ang umiwas ng tingin dahil baka isipin niyang may gusto ako sa kaniya. Isinawalang-bahala ko ang mga tingin niya at nagpaka-busy na lang ako sa pagkain at paghigop ng hot chocolate ko. Nang maubos ko na ang dawalang cake ay ang cellphone ko naman ang pinagtuunan ko ng pansin.

Natigilan lamang ako sa aking ginagawa dahil naramdaman ko ang presensiya ng isang tao sa harap ko. Nag-angat ako ng tingin at natigilan ako dahil sa napakagandang lalaking nakatayo sa harap ko na may hawak ng isang baso ng mainit na kape. Pasimple kong kinagat ang labi ko dahil parang sa mga oras na ito ay nainlove na ako.

"Mind if I sit with you?" Tanong nito na mas lalong magpa-inlove sa akin. He has this supper deep-baritone voice na kapag narinig mo ay kikiligin ka, lalo pa at nakakalaglag-panty ang mga ngiti nito. Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapatitig at pagpagtasyahan ang napakagandang nilalang sa harap ko.

"Miss?" Bigla akong natauhan nang magsalita muli ako. Napakurapkurap muna ako nang ma-realize kong kanina pa ako nakatitig sa kaniya.

"M-may sinasabi ka?" Nahihiyang tanong ko dahil naklimutan ko kung ano 'yung tanong niya kanina.

"Do you mind if I sit with you?" Nakangiti pa rin niyang tanong. Iuwi ko kaya itong lalaking ito sa bahay? Ganda ng genes, eh!

"Ah, n-no. O-of course not," kinakabahang usal ko saka inalis 'yung bag kong nakapatong sa lamesa. Naupo na ito sa upuan sa harap ko at hindi ko maiwasang mapatitig sa katawan nito. Parang ang sarap hawakan ang mga braso niya dahil sa laki ng mga muscles niya. Isabay mo pa ang nababakat niyang abs sa t-shirt niya. Shet! In love na yata ako!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 29, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Beautiful Night With YouWhere stories live. Discover now