25th Paper

2.5K 67 6
                                    

25th Paper

Long Day

"What the heck talaga! Wala pa lang true sa true or false kanina!" Inilapag ni Mae ang kanyang bag sa upuan at tsaka gumawa ng mabababaw na talon habang nagrereklamo. "May dalawa akong true!"

Papaalis na kami ng school, the last days were alright. Hindi kami nawalan ng gawain dahil magtatapos na ang semestre, ngunit ngayon ay libre na kami dahil ito na ang huling araw ng examinations.

"Hindi ba 'yon si Jasean? Iyong sinabi mong crush mo nung elementary?" Napalitan ng tawa ang kaninang mga reklamo ni Mae. Ituro niya ang isang lalaki na nakaupo sa bench at tila may hinahanap sa paligid.

"Siya nga. Dito pala 'yan nagaaral?" Habang nakatingin siya sa kawalan ay kinuha ko ang pagkakataon na tingnan si Jasean. Wala pa ring pinagbago ang kanyang maamong mukha. Ang kutis niya ay nanatiling maputi at makislap sa arawan.

"You think?" Sarkastikong sagot ni Mae. Hindi ko siya pinansin dahil nakatuon pa rin ang atensyon ko sa gawi ni Jasean. Ngayon ko na lang ulit siya nakita. Tumayo siya para batiin ang isa pang estudyante. Hindi rin nag bago ang masiyahin niyang ngiti. That's exactly what I liked about him. There's just something on his smile that can brighten up your day. I don't know, ganoon lang talaga.

"Uy tara na. Iniwan na tayo nina Nana."

Kumuha ako muli ng isang sulyap sa gawi ng aking elementary crush bago sumunod kay Mae. Pamilyar din sa akin ang kausap niya ngayon nang makita ko ang mukha niya. Siya iyong napagtanungan ko noong nag exam ako rito. Hindi ko na nga lang maalala ang pangalan.

Pagkauwi ko sa La Colina ay naabutan ko sina Mama at Nil doon. Naguusap-usap sila ni Drian tungkol sa bagay na mukhang hindi ako pwedeng masali dahil nagiba na ang topic nang makapasok ako. Oh, well.

"Jesca, 'wag mo ng ibalik sa bahay ang mga gamit mo rito. Mabuti pang damit na lang at ilang importanteng gamit ang kunin mo pag balik sa bahay."

Tumango ako. Hindi ko pa rin alam kung kailan ako dapat bumalik sa bahay. Maaari kasing bumalik pa kami sa Summerridge para sa iilang requirements para professors. Isa pa ay kailangan pa rin naming asikasuhin ang pagkuha ng final grades, pero hindi pa naman iyon kaagad agad.

Mahigit tatlong linggo ang semester break ngayong taon ngunit napagdesisyunan ni Papa na isa't kalahating linggo lang ang ititigil namin sa Florida. Ani pa ni Papa ay kung kakailanganin kong makauwi kaagad nang maaga dahil sa school ay naroon naman si Gage. Poor him. He'll be my chaperon again.

"Kailan nga pala ang alis niyo?" Tanong ni Drian, hindi manlang ako tinapunan ng tingin. Hmp. Ang suplado naman.

"Siguro sa isang araw pa." Bakit? Gusto ko sanang itanong kung bakit, pero nanahimik na ako at ipinagpatuloy ang panonood sa TV. Busy siya sa pagti-text, minsan ay napapangiti pa. Hindi ko lubos maintindihan ang pinapanood ko sa pagiisip kung sino ba iyong kausap niya.

"Gaano kayo katagal doon?" Tinignan ko siya nang tanungin niya muli ako. Napapailing siya sa nababasa niya sa phone niya, minsan ay may kasama pa iyong ngisi. Nakaramdam ako ng kakaiba; para bang gusto kong kunin ang phone niya at itago na lang iyon. Ngayon mismo.

But nevertheless, I answered him. "Almost two weeks siguro."

Saktong pagbalik ko ng tingin sa telebisyon ay tsaka niya pa ako tinignan. What is it, mister? Can't handle a staring-fest?

"Hindi ba masyadong matagal 'yon para sayo? You have school. Why don't you tell Tita?" Natuwa ako nang itinago niya ang phone niya sa kanyang bulsa. Ngayon ay nasa akin na ang atensyon niya.

"I won't tell Mama anything. Gusto ko rin naman. Nandoon ang buong pamilya and some friends."

"Some friends?" Tumawa siya nang peke. "You tell me, what friends?"

MASH Romantic (Chase Series #2)Where stories live. Discover now