Chapter 49: Rising and Falling

Start from the beginning
                                    

Sasandali pa lang ako nakaupo eh nakarating kami agad. Mukhang ako lang pala ang bababa dahil uuwi sina Baekhyun sa dorm. Nagpaalam na ako at nagpunta na sa kwarto ni Yunsu. Pagpasok ko ay nakita kong magkakausap sina Mina, Jaejoong at Jaeseob.

[JAESEOB's POV]

Papunta kami ni Jaej ngayon kay Yunsu para bisitahin siya at para narin ipakita sa mga hyung doon ang isang munting gift namin para sa kanila. Buhat ang aming mga violin, naglakad kami sa Hongdae para bumili muna ng mga makakain. Kinakabahan ako baka nandoon ang buong EXO, baka hindi magkasya ang dala namin HAHAHAHA bumili kami ng 30 pieces ng fish cake at isang box ng softdrinks na 20 bottles ang laman. Bumili na rin kami ng prutas para kay Yunsu.

Sumakay kami ng taxi ni Jaej. "Magustuhan kaya nila to?" Tanong ni Jaejoong. "Hindi naman sila choosy eh. Mabait naman sila di ba?" Sagot ko. "Sa bagay" sabi niya. Nagtext ako kay Kyungsoo hyung at sumagot naman siya. Proof talaga to na mabait siya eh HAHAHAHA

Habang papunta kami sa ospital, naalala ko si Pat. Grabe ang expression niya nung araw na yon. Sobrang lungkot niya pero nang malaunan, parang walang nangyari.

Matapos naming mag-Starbucks that day, nagpunta kami sa Oceanarium. Doon nagstart magbago ang mood ni Pat. Nagpunta siya ng CR at pagbalik niya, nakawig na siya at may mga accessories na sa ulo. Hindi lang siya nakapagpalit ng damit kasi wala siya baon that day pero kita sa kanya na prepared siya. Ang saya-saya niya non. Tinanong ko siya kung okay na ba talaga siya, walang ka-abog-abog na sumagot siya ng oo na nakangiti. Tinago lang ba ni Pat o sadyang ganon siya kabilis magmove-on? Hay ewan basta.

Hay shet traffic! Ano kaya nangyari? Parang may naaksidente. Umikot pa tuloy si Manong sa ibang daan. Pagdating namin, binayaran namin si Manong at kinuha ang mga gamit namin. Paakyat sa room ni Yunsu, may isang babaeng natalisod sa may elevator kaya tinulungan namin siya.

"괜찮으세요?" [Okay lang po kayo?] Tanong ko

"예 고맙습니다" sabi niya habang medyo hinihimas ang paa niya. "어디로 가는 거에요? 같이 가야 될 거 같아요." [San po ba kayo papunta, Miss? Parang dapat po samahan na namin kayo]

"Paakyat po ako sa room ng boyfriend ko eh" sagot niya naman.

"Sakto, paakyat din kami. Sabayan ka na po namin" pumayag namin siya kaya inakay na siya ni Jaejoong habang dala ko naman ang violin niya. Siya na rin nagdala nung pinamili namin.

Sumakay kaming tatlo ng elevator kasama ang dalawang pang ibang tao. "Anong floor po kayo, Miss?"

"5th floor"

"Uy, sakto! 5th floor din kami." Sabi ni Jaejoong. Natuwa naman kami don. Coincidence na pare-parehas kami ng floor HAHAHAHA

Pagdating namin ng 5th floor, naglakad na kami papunta sa room ng boyfriend ng babae. Napansin kong parang iisa nga lang kami ng pupuntahan.

"Jaejoong-ah, hindi ba parang ito na yung papunta sa kwarto ni Yunsu?" Sabi ko sa kanya

"Oo nga eh"

"Teka Yunsu?" Sabi ng babae "Si Choi Yunsu po ba ang pupuntahan niyo?" Tanong niya

"네 그렇죠" [ganon nga po]

"Eh doon din po ako papunta eh. Ako po yung girlfriend ni Choi Yunsu. Ako si Mina."

Nagkatinginan kami ni Jaejoong. AWKWARD pero nagpakilala na rin kami.

[HIATUS][EXO & OC] STEPBROTHER KO SI D.OWhere stories live. Discover now