"Anak, patawarin mo kami."
"Huwag kang makikinig sa sinasabi ng iba."
"Wala kang kasalanan, Viennes, anak."
"Mahal na mahal ka namin, prinsesa ko."
Hindi matumbasan ng mga sigaw ko ang boses ng mga magulang ko na paulit-ulit na para bang sirang plaka na yumayanig sa utak ko.
Ang mga matang dati'y puno ng paghanga, nanlilisik na sa galit at pandidiri. Ayos naman ang lahat, ah. Saan nagsimula? Anong dahilan? Bakit sa isang iglap nawala lahat ng saya at liwanag na dating bumabalot sa buhay ko? Bakit ang mga magulang ko na walang sawa sa paggawa ng mabuti ay dinuduro na ng mga tao at tinatawag na salot?
Dilim. Dilim. Puro dilim. Wala na talaga ang liwanag na dati'y kinakapitan ko.
Bakit ako? Bakit pati ako? Hindi ako kriminal. Bakit ang pagkakamali ng magulang ko ay naging pagkakamali ko na rin? Bakit ako ngayon ang dinuduro nila. Pati ba ang inosente ay walang kawala?
Can I right what is wrong?
ESTÁS LEYENDO
Criminals' Daughter
Romance"Anak ng kriminal pero hindi kriminal." Sa pagkamatay ng mga magulang ni Viennes, na tinatawag ng sambayanan na mga kriminal, napagpasyahan niyang lumikas at magtago. Sa pagbabalik sa dating lugar ay siya ding pagbabago ni Viennes. Para sa kanya ay...
