Hirap talaga kapag nagustuhan mo 'yung taong nakilala mo sa internet, e. Hindi mo alam kung hanggang kailan tatagal 'yon. O, kung tatagal ba.
"Dadalhin ka sa Thailand. Tapos iiwanan ka do'n." Sukat naman sa sinabi kong 'yon ay hindi napigilan ni Alexa ang pag-tawa nang malakas kaya nasamid siya sa iniinom niya. Naluha pa siya dahil sa kakatawa.
***
Habang tinatahak ko ang biyahe pauwi sa'min ay halos manginig na 'yung laman ko sa nerbyos. Kinakabahan ako na baka may masamang mangyari kay Mama.
Hindi ko alam kung saan ipapaling 'yung ulo ko. Bumibilis lalo 'yung tibok ng puso ko. Pinagpapawisan na rin ako nang malamig. Panaka nakang kinakagat ko 'yung ibabang labi ko para pigilan 'yung sarili kong maiyak.
I have to be strong. Ayokong mag-isip nang kung ano ano.
Pero ano'ng gagawin ko?
Nang tawagan ako ni Papa, nagpa-panic siya.
Naramdaman kong inabot niya 'yung kamay ko at marahang pinisil 'yon. As if he was telling me that he's here, and I can always lean on him.
"Calm down, don't think too much. Your mom is strong, right? She'll be fine." Napalingon ako kay Dylan at binigyan siya nang tipid na ngiti.
"Thank you.. I'm sorry, naaba pa kita. Ibaba mo na lang ako sa may terminal-"
Mabilis naman niyang pinutol 'yung sasabihin ko. "No. Ihahatid kita sa hospital. Sasamahan kita."
Napangiti na lang ako. Kanina pa kasi ako nag-so-sorry sa kaniya dahil naabala ko siya. He's not supposed to leave the resort for some reasons with Janine's parents pero dahil sa emergency ay kinailangan niya 'kong ihatid pabalik ng Bulacan.
Gabi pa sana kami aalis ng mga kaibigan ko pero sinabi kong mauuna na 'ko. Hindi pwede 'yung sasakyan ni Yuri dahil nasa gawaan 'yon. Ayoko namang mag-commute dahil matatagalan lang ako lalo. Sinabihan ko na lang sila na i-u-update ko sila as soon as makita ko 'yung lagay ni Mama.
Alam kong worried rin sila. Parang nanay na rin naming lahat ang nanay ng isa't isa, e.
Hindi na nga ako mapakali, e. Kung ano anong naiisip ko. Kahit anong pagpapagaan ng loob ko ang gawin ni Dylan, hindi pa din talaga nawawala 'yung takot sa'kin.
"You wanna eat first? Wala pang laman 'yung tiyan mo." Agad akong umiling. Kahit gutom man lang ay hindi ako makaramdam. Breakfast pa lang laman ng tiyan ko, umalis na kasi ako agad matapos tumawag ni Papa.
Kaya hindi ko na rin nagawa pang kumain.
"Please, just drive me home.." Mahina kong sabi.
Hindi naman siya umimik. Hanggang sa may madaanan kaming drive thru ay siya lang ang umorder. Dinamihan niya na 'yung order para daw makapag-bawi ako ng kain. Nagpa-dagdag rin siya ng rice meals para daw kina Mama at Papa.
Alam kong hindi pa siya okay kina Mama at Papa after what happened to us before. Ayaw na nila Papa na makipag-usap o makipag-kita ako kay Dylan. Pero this time, hindi ko na muna iisipin 'yun.
He's here to help. They should at least be okay with that.
Hanggang sa makarating kami sa Bulacan ay hawak hawak niya lang 'yung kamay ko habang nasa steering wheel 'yung isa niyang kamay.
Hinayaan ko na lang na hawak niya 'yung kamay ko. Alam niya kasing kapag hindi ako mapakali ay gusto kong may humahawak sa kamay ko— para ma-feel kong hindi ako nag-iisa.
Na magiging okay rin ang lahat.
Kung ano man 'yung natitirang inis na nararamdaman ko kay Dylan ay isinantabi ko muna. Masaya ako na nandito siya at tinutulungan niya 'ko.
'Yun na lang muna 'yung iisipin ko.
"We're here. Do you want me to come with you?" He asked me as soon as we reached the parking lot of the hospital.
He's still looking at me, waiting for my response. I nodded my head and smiled. He gave me confusing look, parang hindi siya makapaniwala na isasama ko siya sa loob. Na ihaharap ko siya ulit kina Papa.
"Are you sure? You know I can wait here."
"Nah, it's okay. You can come." Sabi ko pa. Ayoko namang iwanan lang siya dito. Siya na nga 'yung nag-tiyaga na bumyahe kahit gaano kalayo, e.
Siya ang may bitbit ng mga pagkain namin habang tinatahak namin 'yung floor kung saan naka-confine si Mama.
Naka-ilang buntong hininga pa 'ko nang makarating ako sa tapat ng pintuan ng kwarto niya. Tinapik ni Dylan 'yung balikat ko at nginitian ako. Somehow, it gaves me strength. Assurance.
Pag-pihit ko ng doorknob ay nakita ko si Papa na naka-upo lang sa may tabi ng kama ni Mama. Bahagyang naka-laylay ang ulo niya. Inaantok siguro si Papa.
"Pa.." I faked a cough para mapansin niya 'ko. Napatingin naman siya sa'kin at nilipat ang tingin kay Dylan. Nangengwestyon ang mata niya, naguguluhan siguro kung bakit kami magkasama ni Dylan.
Simula kasi ng magkita kami ulit ni Dylan, hindi ko pa nasasabi sa kanila.
"Good evening po, Tito.." bati pa ni Dylan at nag-mano kay Papa. I kissed his cheeks and looked at my Mom. I also kissed her cheeks and hugged her. She looks so pale, namayat rin siya.
Tinulungan na rin ni Papa si Dylan na mag-ayos ng pagkain namin. Alam kong hindi pa sila gano'n ka-goods, pero kakausapin ko na lang si Papa about this.
Habang kumakain kami ay kinausap ko si Papa about sa lagay ni Mama. Ang sabi daw ng doktor ay wala naman daw dapat ikabahala dahil pagod lang naman daw 'yun. Over-fatigue, idagdag pa 'yung Vertigo ni Mama.
"Si Mama naman kasi, hindi yata nakakaramdam ng pagod sa katawan." Naiiling na sabi ko. She's always like that, masiyado niyang pinapagod 'yung sarili niya. Kaya hindi rin nakakapag-pahinga nang maayos. Kahit may mga nararamdaman na, e.
"Ganiyan 'yan, e. 'Pag inawat mo naman sa kakagawa, magagalit pa sa'yo. Kaya minsan hinahayaan ko na lang." Sagot pa ni Papa. Nang matapos kami kumain ay lumabas muna saglit si Papa para makipag-usap sa doktor ni Mama. Naiwan kami ni Dylan dito.
"Uhm, thank you ulit, ha? Aalis ka na ba? Ihahatid na kita sa labas."
"I'll stay with you."
Napakurap ako sa sinabi niya. "Ano?"
"Dito lang ako."
In-english lang, e. Inirapan ko na lang siya.
"Hangga't hindi pa nagiging okay si Tita, dito lang ako. Hindi ako aalis sa tabi mo." I bit my lip to stop myself from smiling. Hindi ko alam kung ano'ng nakain nito, pero ang sarap pakinggan ng mga salitang 'yon galing sa kaniya.
Parang unti-unti na ulit kaming nagiging okay.
Parang unti-unti ko na siyang napapatawad.
ESTÁS LEYENDO
Broken and Unfixed
De TodoMaaayos pa nga ba ang pusong nilumot na at dinurog ng mga pasakit? Maghihilom pa nga ba ang mga sugat na dulot ng pagkasawi? Can time really heals all wound? Or would it make it even worst?
Chapter Twenty-Eight
Comenzar desde el principio
