Two

1 0 0
                                    

"Malas ka talaga dito sa pamamahay ven, tingnan mo na aksidente pa ate mo dahil sayo!!" sigaw sa akin ni mama

Ganyan lagi si mama lahat sinisisi sa akin, napapaisip nga ako minsan kung tinggin nya ba sa akin anak or katulong dito sa bahay.

"Palibhasa paglalandi inaatupag mo, may naghahatid pa sayo na naka kotse aba binibenta mo ba katawan mo doon?? pokpok kaba ven ha!!?" sigaw nya sa akin

"Ma—"

"Sana pinalaglag nalang kita, ng dumating ka sa buhay ko nagkanda letse letse na ang lahat, alam mo ba bat namatay papa mo? Dahil sayo kung di ka kasi tanga, edi di namatay ama mo, tatawid kasi maysasakyan!"

Lahat sinisisi saakin ni mama pati pagkamatay ni papa. May lalaki ngayon si mama na panay utos at pabigat sa bahay pero hindi nya iyon nakikita. Mali ko lang talaga palagi nakikita nya.

"Pumasok kana nga sa kwarto mo wag kang kakain dito at wala ka naman ambag sa pamamahay na ito, labhan mo nalang mga damit jan sa labahan para naman may magawa kang lintek ka!" bulyaw nya sa akin

Pumasok nalang ako sa kwarto at doon umiyak. Araw araw nalang ganto, sisigawan ako ni mama, sisisihin, sasaktan at papahiyain.

"Ven?" katok ni ate

"Sandali lang" saad ko pinunasan ko ang aking luha bago buksan ang pinto

"Ate ayos na ba paa mo? Sabi na kasi sayo wag kana pumunta sa convenient store kaya ko naman umuwi mag isa ayan tuloy nasagasaan kapa ng motor buti nya di masyadong malala at buti di ka tinakbuhan nun" I said and laugh

"Kumain kana dinalhan kita ng pagkain" sabi ni ate

"Busog pa ako ate, kumain kasi na ako doon bago umalis " pagsisinungaling ko, tumango nalang sya at umalis

Mabait naman si ate pero pareho lang sila ni mama.

"Ma alis na po ako" paalam ko bago lumabas ng bahay, bawat paalam ko kay mama sa araw araw umaasa ako na tatawagin nya pangalan ko at tatanungin kung kumain naba ako? o kaya may baon naba ako? o kaya may pera naba ako? Pero wala, ni isang beses 'di ako tinanong ni mama ng ganyan.

"Ma, alis na din po ako" rinig kong pa alam ni ate ng makalabas ako ng gate

"May pera kapa ba zen?" Tanong ni mama sa kanya

"Wala na po" sagot nito

"May pera pa ako doon sa bag kumuha ka nalang wag mong ubusin" sabi nito

Ngumiti nalang ako bago naglakad ulit. Ma-aga  pa naman kaya ayos lang na bagalan ko paglakad ko medyo inaantok pa ako dahil sa pagiyak kagabi.

"Yvaine!" tawag sakin

Pagtingin ko sa gilid nakita ko si Ace binagalan ang pagmamaneho.

"Sakay na" saad nito, ngumiti naman ako bago tumakbo patungo sa kotse nya at sumakay

"Nakakatipid naman ako sa pamasahe, baka next time ako na pagbayarin mo ng gas ha! Wag naman nagiipon ako Ace" biro kong sabi kaya tumawa lang sya

"You look so sleepy" saad nya

"Oo nag review kasi ako kagabi" pagsisinungaling ko

"And you know what Yvaine you look so skinny, kumakain kaba ng ma ayos?" Tanong nya

"Oo malamang, sadyang malakas lang talaga metabolism ko Ace" saad ko

"Let's eat lunch together again, puntahan nilang kita sa room mo, don't worry my treat again" saad nito

"Ang bait mo naman sakin Ace hinay hinay lang baka ma fall ako sayo" sabi ko sabay tawa

"You have to" he said

"What?" I asked

"Nothing, I said I'm hungry I didn't eat breakfast" he said

Pagkarating namin sa school nagpaalam agad ako sa kanya at tumakbo malapit na kasi mag 7 mag e start na yung first subject namin. Nagdiscuss lang ulit yung prof at yung iba may pinagawang activity. Noong nag lunch time sabay kami ni Ace kumain sya nagbayad sa akin kasi sabi nya, hanggang sa paguwi hinatid nya ako sa convenient store at hinintay ulit at hinatid sa bahay. Ganun lagi yung nangyayari napapansin ko lang mas lalong dumidikit sa akin si Ace palagi din kami nag kikita at nag kakasama.

"Yvaine! mali ka sa lahat ng activities na ginawa natin, ano bang nangyari sayo bat lahat palpak gawa mo, kahit noon pa" sigaw ni Zea leader sa grupo namin

"Ze sorry pagaaralan ko na talaga yan ng mabuti" saad ko

"Dapat lang Yvaine baka makapatay ka ng pasyente kapag nag trabaho kana" saad nito bago ako tinalikuran

Hindi naging madali ang pagaaral ko ng nursing dahil wala naman sumusuporta sa akin dito. Sa totoo lang ang gusto ni mama ay wag na ako mag patuloy sa college dahil bobo lang naman daw ako pero nakakuha ako ng scholarship kaya tumuloy ako.

"Yvaine mali mali yung table na ginawa mo" saad ulit ni zen, last year na namin ng college kaya mas naging busy kaming lahat at the same time nakakapressure din, sobrang daming requirements at daming gastusin

"Zen tama yung binigay ko sayo chineck ko pa yun" saad ko, alam ko naman na tama talaga yun pero ng pinakita nya sa akin na realized ko na mali talaga, tama yung sagot pero mali pakalagay.

"Aayosin ko nalang pasensya na medyo kasi antok nadin ako kagabi e" saad ko at kinuha sa kanya yung papel

Habang pauwi panay sisi ko sa sarili ko lahat lahat nalang ng gawa ko palpak.

Lumipas ang ilang linggo at mas Lalo pa kaming na abala. Malapit na din ang birthday ko, ang birthday ko na ako lang nakakaalam.

Ngayong araw nasa laboratory kami, kukuanan namin ng dugo yung kapareha namin syempre kami ni zen, lahat ng classmate ko hindi nagawa ng ma ayos ako lang sa buong klase ang nagawa nun sobrang tuwa ko sasabihin ko sana kay zen ngunit nakita ko sya na palabas na ng laboratory at tumingin ako sa paligid parang wala lang sa kanila, ni wala nga bumati sa akin or ngumiti sa akin, lahat sila busy parin.

"Yvaine" tawag ni ace habang pinahinaan ang pagmaneho

"Congrats Yvaine! You did it right! galing mo talaga" he said tumawa nalang ako bago lumapit sa sasakyan nya

"Saan gusto mo" tanong nya

"Doon nalang sa bundok" saad ko pero huminto muna kami sa convenient store para bumili ng pagkain at inomin tsaka dumiretso doon

Narealized ko na lugar pala iyon bundok kasi tawag ko dito pero Ferester pala tawag sa lugar na Ito. Sobrang ganda dito lalo na ngayong gabi dahil tanaw na tanaw mo ang ilaw ng mga building at ang mga ilaw ng sasakyan at mga bahay bahay.

"Malapit na birthday mo Yvaine anong gusto mo" nagulat ako sa tanong ni Ace bat nya nalaman na malapit na birthday ko?

"Pano mo nalaman?" tanong ko

"Tinanong ko kapatid mo" saad nito

"e? Nakausap mo si ate? Kailan?"

"Kanina pumunta kasi ako sa bahay n'yo" he said

"Ahh, andun si mama baka ano naman isipin nya"

"I told to her that I'm your boyfriend"

He then look at me.

Hindi ko inaasahan na sasabihin nya iyon. Nakatingin lang ako sa kanya at ganun din ang ginawa nya, walang nagsalita sa amin. Sobrang tahimik ng paligid tanging ang mga mahinang busina ng mga sasakyan lang ang tangi namin naririnig. Akala ko ay maysasabihin pa sya pero mas lalo kong ikinagulat ang paglapit nya sa akin at hinalikan ako nito sa noo.

———

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

IDRKWhere stories live. Discover now