"Welcome to our family!", at maaamoy ang kili-kili ng babae, "Mal... maligo ka mamaya ha! Okay!". Magtatawanan ang lahat, magpapaalam sa lola at umalis na ng bahay si Janice papasok ng trabaho.

Maruming Ilog Pasig ang pinaglalanguyan ng mga makukulit na bata sa Squatters' Area sa may likuran ng malaking hotel ng Pasig City.

Ang mga bata ay naglalaro rin sa mga lumulutang na lotus sa ilog at sumisisid kung minsan upang makahanap ng makakalakal na basura sa katabing Junk Shop. Ang ilan naman sa mga magulang nito ay abala sa pagto-tong-its at Mahjong habang ang mga ina ay nagpapasuso ng kanilang mga supling. Masikip ang daanan papunta sa mga kabahayang ito na nagsisipagtayuan malapit sa ilog para sa kanilang malawak na palikuran at tapunan ng basura.

Patago naman ang mga menor de-edad na humihithit ng sigarilyo, umiinom ng alak at sumisinghot ng mga rugby upang pantanggal ng stress o problema sa kani-kanilang pamilya. Isa sa pinakanakakabahala rito ay ang pagtaas ng pursiyento ng mga nakikipagtalik na bata ng walang proteksiyon at tamang gabay.

Sa kabila ng lahat, sinisikap ng mga taong barangay na masolusyonan ang talamak na paglabag sa batas ng mga informal settlers at nang tuluyang ilipat sila sa mas ligtas na pamayanan.

Sa isang hindi dayuhing bahagi ng squatter's area nakalagak ang bodegang taguan ng mga ipinagbabawal na produkto...

kulay puti na pulbos at kung minsan ay nakaplastik na maliliit upang tingi-tinging mabili sa tindahan. Ang loob ng bodega ay puro kartong pangkargo na idinedeliber ng motorsiklo sa masukal at nakakasulasok na daanan dito.

Isang tulugan na may maliit na palikuran lamang ang pinaka kuwarto sa loob at sa bakanteng espasyo ang pinaka-opisina ng lalaking may-ari ng bodegang tinatawag na 'Leader' ng dalawang alalay na gunggong.

May kulubot na balat at nasa lampas singkuwenta na ang katayuan ng lider. Ang kanyang opisina ay may isang rocking chair, square table na kahoy na nakalagay ang buddha display , ballpen, lapis, onion skin A4 paper, sunglass na black, calculator, monitor at CPU, mouse, electric fan, pitsel, isang paketeng toothpick at isang kaha ng Marlboro Filter Plus na lahat ay 'Made In China'.

Ang tinig ng lider ay matinis na mahahalatang lumaki sa mabundok na bahagi ng China. Kailangang palagi niyang katabi ang baril na .45 na may kargang isang bala sa oras ng emergency. Ang pagmumukha ng lider ay tadtad ng puting foundation na lalong nagpapamukhang bangkay sa kanya dahil sa pag-inom ng mga pampabatang gamot na ipinagbabawal ng gobyerno. Para hindi katakutan ay lagi na lamang yumuyuko ito sa daan upang hindi mapansin ng tao o magsasalita na lamang habang natatakpan ng itim na anino ang buong pagmumukha.

Maya-maya ay uupo sa kanyang silya ang matanda... bubuksan ng lider ang kanyang kompyuter, ikakabit ang pocket wifi na may password, magla-log in sa Skype at may kakausapin.

"Kumusta?...", tanong ng Leader

Voiceover: (lalake) "Okay ako kaso ang hirap ipuslit ang mga produkto natin kasi may drum congestion daw sa may pantalan diyan sa Maynila! Pero nakausap ko 'yung pinagkukunan natin dito at gagawan nilang paraan na baka maka-short cut sila ng Spratlys at patago nalang sa mga bangka ng Pinoy na dadalhin papasok ng bansa."

"Good... kaso bilisan kamo ah!"

Voiceover: (lalake) "Hindi pa rin ito madali kasi may nag-iimbestiga na rin sa lugar nila rito sa kanilang mga operasyon!"

"Wala ako pakialam! Basta kailangan import natin yan sa lalong madaling panahon! At punta na rin ikaw dito Piripinas! May espesyal na trabaho ka sakin, okay? Ingat!", banggit ng Leader at sabay shut down ng computer.

Maya-maya ay pupuntahan siya ng dalawang alalay na maliit na lalake na nag-check lamang saglit ng paligid ng bodega at isinara ang pintuang bakal.

"Leader!", angal ng isa, "Wala ba kami gatas diyan? Hilung-hilo na kami oh!",hihimas sa malaking tiyan at ituturo ang isa pang kasama

"Oo nga naman Leader! Ano bang lasa niyang binebenta niyong gatas? Marami ka namang stocks 'di ba?", banggit ng isa pa sa tabi ng mga karton ng gatas- pambata

Tatayo ang lider mula sa kinauupuan at mananatiling nakatakip ang anino ng bubungan sa kanyang mukha.

"Ano kayo? Ugok? Gusto niyo hilo habambuhay?", salita ng lider na itataas pa ang boses, "May Pormalin ang mga ito!... Teka!", kukuha ng dalawang basong styro sa ilalim ng mesa at maglalagay ng malamig na tubig mula sa pitsel.

"Heto! Pakabusog kayo tubig!"

Kukunin ng dalawa ang iniabot na baso habang ipinagpapatuloy ng lider ang kanyang mga litanya... "Ambot sa inyong duha! Piste!"

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now