"Milk na lang kuya. Salamat." Sagot ko sa kaniya. Gusto ko sanang dugtungan ng I love you pero nahihiya ako. Hindi naman kasi ako vocal sa kanila except kay papa at mama.

Nilapag na ni kuya yung platito na may lamang sandwich sa lamesang katabi ng lamesa kung saan ako nagtratrabaho ngayon saka ginulo ang buhok ko bago lumabas ng kwarto. Si Kuya ang panganay sa amin sunod si Kuya Erick, si ate Shiela, kuya Maru saka ako.

Pagkalabas niya, kinuha ko yung isang sandwich at nagsimula na ulit mag-isip ng maisusulat.

Ilang saglit pa naisipan kong lumabas ng kwarto para na din hugasan yung platito at mug ng gatas na hinatid na sa akin ni kuya kanina. Wala na din kasi ako maisip na idea sa sinusulat ko kaya kailangan ko ng panlibang baka sakaling may mahanap ako na idea sa paligid. Ito ang ginagawa ko minsan kapag tinatamaan ako ng mental block kapag nagsusulat. Minsan naman nagpapatugtog ako ng mga slow songs na pinagkukunan ko ng inspirasyon sa pagsusulat ng bawat kabanata.

Nagtaka ako paglabas ko dahil walang tao sa sala pero may naririnig akong nag-uusap sa harap kaya sumilip ako roon. Nandoon silang lahat sa harap ng bahay nagkwekwentuhan ng kung ano-ano kaya, napangisi ako ng may maisip na sunod na isusulat na eksena sa kwentong inu-update ko saka dumiretso na ako sa kusina.

***

"May nabili kami sa divisoria na mga gamit, antique pero magaganda tapos medyo mura lang." Nangunot ang noo ko ng makita ang mga pinamili nila mama at tita.

Totohanang antique nga ang mga binili nila dahil sa mga disenyo ng mga iyon. May mga utensils, vases, at may grandfather's clock pa. Pero ang nakapukaw ng atensyon ko ay yung gold mirror. Maliit lang siya at halatang pangmayaman dahil sa disenyo nito. Napamental face palm ako dahil sa naisip. Malamang mayaman lang sa panahon noon ang may afford ng mga ganitong bagay.

"Aanhin niyo yan 'ma?" Bulong ko kay mama na busy sa pag-aayos ng mga pinamili nilang pagkain.

Alas onse na ng umaga, at kararating lang nila mama galing sa pamimili ng kung ano-anong dala nila ngayon.

"Ilalagay natin doon sa gagawing bahay sa Leyte na kahawig ng bahay nila noon sa Cotabato." Napatango na lang ako kay mama. Nakalimutan ko pasensya na.

"Marianna, ito na yung pinapatranslate mo sa akin kagabi from Spanish to English." Kunot-noo kong nilingon si papa at yung inaabot niyang yellow pad.

Meron ba akong pinapatranslate sa kaniya kagabi? Parang wala naman akong natatandaan. Pagkauwi namin kagabi dire-diretso kaming lahat sa kwarto saka natulog.

Kumabog ng sobra ang puso ko ng mabasa yung mga katagang nakasulat.

La guerra está por llegar. Escóndete y no mueras.

(War is about to come. Hide and don't perish.)

"Para sa story na ginagawa mo ba iyan? O sa subject niyo na foreign language?" Tanong ni papa na hindi ko alam ang isasagot.


Hindi ko matandaan na may ganitong eksena yung sinusulat ko. War? Hide? Perish? Teen fiction yung sinusulat ko hindi historical fiction.

Tulala ako buong hapon kakaisip kung saan ko nakuha yung mga katagang iyon na pinasalin ko kay papa into English.

"Yana tulog na. Tulala ka na naman diyan. Take a break. Napublish mo na yung update sa story mo?"

Nakatulala ako ngayon dito sa kwarto habang nakaupo at hawak yung lumang notebook na tinago ko kanina sa isa sa mga drawers dito sa kwarto.

La PeleaWhere stories live. Discover now