01: the grind

15 0 1
                                    



"Sienna, yelo pa sa table six," ani Bryan. Isa siyang waiter dito sa Shooters, ang club kung saan ako nagtra-trabaho.

Isang linggo na ako dito at so far, so good. I'm a totally different person now. To blend in even further, nagsimula na akong mag-yosi. Naisip ko kasi na isa iyon sa mga paraan para mabilis akong magkaroon ng mga kaibigan dito sa club. It worked like magic. Kasabay kong mag-yosi break ang mga waitress at waiter, pati na yung mga bartender.

Lahat ng chismis, alam ko na dahil sakanila.

Puro mga waitress at dancer lang ang kasama ko doon sa lodging dahil hiwalay ang mga lalaki. Parang dormitory ang lagay nung bahay, may common cr, sala at kusina sa baba habang nasa itaas naman ang mga kwarto. Puro bunk beds iyon at maingay minsan dahil halos lahat sila may kausap sa phone o nanood pero mas okay na iyon kesa sa kalsada.

Kinalimutan ko na ang buhay na iniwan ko, tutal puro sakit lang naman at trauma ang nadulot nito sa akin. Hindi na ako ang dating Sienna Rodriguez na titiisin ang bawat salita at sampal nang walang salita. I hate that version of me and I will never be like her again. Hindi na ako papayag na may manakit pa sa akin.

Maliban sa maikli at may kulay kong buhok, nagsimula narin akong gumaya sa mga normal na suot ng mga babae dito sa maynila. Meron na akong mga dress, skirts at shorts. Kung dati ay balot na balot ako para takpan ang mga pasa at sugat, dito ay malaya akong mgpakita ng balat dahil walang makakagalaw sa akin.

"Closing ka ulit?" Tanong ni Aly, isa sa mga dancers at matalik kong kaibigan.

"Oo, sabay tayong uwi ah?"

Inayos niya ang itim na lingerie na suot, "Sige basta kain tayong pares, deal?"

"Deal!"

Nagtuloy ang gabi at lalong dumami ang mga customer. Masaya naman ako sa trabaho ko, marami akong taong nakikilala at may mga parokyano din na malaki ang tip na binibigay sa akin.

"Hi baby girl!" Ani ng loyal kong customer. Kalbo at maliit na moreno. Hindi ko tanda ang pangalan niya pero alam ko na tao siya sa munisipyo, sabi nila Bryan.

"Hello! Mukhang pagod sa trabaho ah?" Inabot ko sa kanya ang menu, hinayaan na hawakan niya ang kamay ko. Ngumiti ako sa kanya pabalik.

Isa pa ito sa natutunan ko. To flirt subtlety with customers. Give them attention, make them feel comfortable and wanted.

"Ngayong nakita kita Sienna, recharged na ako!" Natawa ako at pabirong hinampas siya sa dibdib.

"Anong order mo?"

Ngumiti siya sa akin at halos hubaran ako gamit ang mga mata niya. Ang uniform ko dito ay white body hugging long sleeves, apron at black fitted slacks. They cling to my body like skin, emphasizing my curves. Sabi pa nga nila sa akin noon, mas malaki ang pera kung maging dancer nalang ako dahil maganda daw ang katawan at mukha ko pero tumanggi ako.

"Tatlong bucket ng pale pilsen saka isang bote ng black label. Kasama namin yung boss namin eh." Tumaas ang kilay ko doon.

Safe naman ang club dahil walang tulak ng droga dito at puro mayayaman ang mga parokyano. Medyo marami din mga expat pero mababait naman sila. Tumabi sa akin si Bryan at bumulong, "Ikaw magserve ng mga inumin nila, nandito iyong mga abogado galing munisipyo."

Kasama ko ang isang waitress papunta doon sa table nila. Ako iyong nag-ayos ng table nila at sinigurado kong nakatingin silang lahat sa akin. "Is there anything else you need sir?"

Isang tikhim galing sa likod ko ang nagpagulat sa akin. Agad akong tumabi para makabalik siya sa pwesto niya sa couch. Suit and tie, with a face straight out of a magazine. Moreno, matangkad at gwapo.

"Fiscal, may gusto pa po kayo?" Tanong ni kalbo doon sa bagong dating. Mukhang ito yata yung boss nila, kita sa mukha nilang medyo kabado. Kawawa naman, imbis na good time dito sa club ay hindi sila makahinga nang maayos.

The boss smiled at me, "That will be all, thank you."

5:00 am ay sarado na ang club at nasa kanto kami ni Aly, kumakain ng pares.

"Kilala mo yung mga tiga munisipyo kanina? Gwapo nung isa dun."

Kumunot ang noo niya, "Yung kasama nila kalbo?"

"Oo, yung fiscal yung tawag nila."

"Ah! Si Julius Caesar 'yon, sarap diba? Kaibigan niya yung may-ari ng club natin kaya minsan nandiyan din siya pero bihira din."

Uminom ako ng tubig. Hindi ko makalimutan ang titig niya sa akin kanina. Like he's looking deep into my soul.

"Nagta-table ba 'yon?" Natawa sya.

"Baliw ka ba? Ibang breed ng tao yon, yung mga model type non! Yung mga 36-24-36!"

I shrugged. What am I even thinking? You're going crazy, Sienna!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 16, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

How To Be a Sugar BabyWhere stories live. Discover now