"Let go..." mahinang saway niya, namumula ang pisngi at tainga. "I don't h-have..."

"Gusto mo?" hamon ko habang nakataas ang kilay. "Gusto mo talagang bitiwan kita, Axe?"

My lips curved when he stared at me as though he was so done with his own girlfriend. Bumuntong hininga siya at napailing, tuluyan nang hinayaan ang kamay ko sa kanyang braso.

Inilapit pa niya iyon sa akin para hindi ako mahirapan kaya mas lalong lumawak ang ngisi sa labi ko. I want him to know that he doesn't have to be shy about his physique. May muscles man sa braso o wala, may abs man o taba, wala naman siyang dapat ikahiya lalo na sa akin.

Nilipat niya ang hawak sa kanyang pen sa kaliwang kamay at muling nagsulat. Natigilan ako at biglang may naalala.

"Axe," tawag ko ulit.

Hindi siya nag-angat ng tingin. "Hmm?"

"'Yong... nawawala kong output noong Grade 12 ako. Talaga bang ikaw ang kumuha no'n?"

He shook his head and I smiled.

"E 'di sino? Bakit mo inangkin ang kasalanang hindi naman sa 'yo?"

"Do you really still want to know?" Nilingon niya ako at taimtim na tiningnan.

I caged the bottom side of my lip and slowly shook my head. Matagal naman na iyon pero gusto ko lang klaruhin na wala talaga siyang kasalanan sa pagkawala ng mga gawa ko noon. Bigla ko lang din naalala.

Tipid siyang ngumiti. Napaiwas ako ng tingin nang maisip naman ang nangyari kahapon. Mukhang wala pa siyang kaalam-alam tungkol doon at hindi ko alam kung may planong sabihin si Tito Miko kay Axe ang tungkol sa mga s-in-end ko sa kanya.

Nagulat ako nang hulihin niya ang kamay kong kumakalas sa kanyang braso at ibinalik muli roon. His earnest gaze swayed my feet off the ground.

"Kahit isang kamay lang... kumapit ka lang sa akin."

Heat crept on my cheeks. Ngumiti ako at hinawakan siyang muli sa braso gamit ang isang kamay.

"I will notice if you get tired of holding onto me. I will understand if you eventually let me go." His fingerpads stroked the back of my palm. "That's the time I will utilize all my energy to carry you on my back... and walk until we both reach our own destination."

Even though his words were benign and passionate, they still wreaked havoc in my inner core that its solidity broke into pieces until it was completely liquefied. His gentle touch and reassuring words are the only warmth I would always hold on to.

"Izzy," he called softly, eyes never leaving mine.

My lips went ajar when I noticed his head dipping forward. Bumaba ang tingin ko sa kanyang labi nang pumasada ang dila niya roon na agad niya namang kinagat.

I swallowed hard and closed my eyes. Nahigit ko ang sariling hininga at halos bumaon ang maiikli kong kuko sa kanyang braso habang nag-aabang.

Ngumuso na ako. Narinig ko ang mahinang tawa niya bago ako napadilat dahil itinulak niya ang noo ko gamit ang isang daliri.

"Mag-aral na tayo," nakangiting sambit niya at lumayo na nang tuluyan sa akin.

I gawked at him with mouth agape and burning cheeks. Nagpipigil na talaga akong kurutin o ibaon na nang tuluyan ang kuko sa balat niya dahil sa hiya.

Sa gigil ko, ako na mismo ang lumapit sa kanya at mabilis siyang hinalikan sa pisngi. Pumitlag siya at napahawak sa pisngi bago ako nilingon.

Inirapan ko siya pero nakangisi nang bumaling sa ginagawa ko. Nang alas siete na ay umalis na kami roon sa Dagohoy at nagpunta na sa main library. Pasikat na ang araw pero sinuot ko pa rin ang hoodie niya dahil malamig din sa library.

Melting You Softly (Student Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt