Gusto mo sya ngayon,
biglang ayaw mo na sa kanya mamaya.
Gusto mo siya makita,
biglang magtatago ka naman.
Mag-aaya siyang umalis kayo,
tapos bigla kang aayaw.
Hihiling ka sa kanya,
tapos biglang hindi niya ibibigay.
Nagpaparamdam sya sa iyo ngayon,
tapos para kayong di magkakilala bukas.
Mangangamusta siya ngayong araw,
tapos mawawala maya-maya.
Gusto mo syang tawagan ngayon,
biglang ayaw mo mamaya unti.
Tinanong ka niya kung pwede kayo magkita,
biglang hindi ka pala pwede.
Gusto mong suyuin ka niya,
pero magkakapikunan kayo sa pangungulit.
Hinahanap mo na siya,
tapos bigla na lang siyang mawawala.
Sabi niya, mahal ka na niya,
pero ikaw hindi mo pa din maramdaman.
Gusto mong mahalin ka rin nya kagaya nung inaasam mo ngayon,
pero bigla kang mapapaisip na hindi mo pa rin pala kayang magmahal talaga.
Urong.
Sulong.
Urong-Sulong na lamang ba?
