Simula at Tapos

5 0 0
                                        

COViD-19, hindi ikaw ang sisira sa mga pangarap namin
Hindi ikaw ang magpapa bagsak sa mga taong nangangarap
Hindi ikaw ang mananalo sa labang ito
Dahil hindi kami papayag na kami ay matalo

Sa Diyos, kami ay kumakapit
Dahil alam naming sya ay hindi mananakit
Sya ay may plano saming hinaharap
Kaya kami ay hindi susuko sa isang iglap

Sya ang sandigan sa anumang problema
Sya ang taong hindi ka iiwan basta-basta
Basta't manalig at wag mawalan ng pagasa
Dahil alam niya ang kanyang ginagawa

Sundin lahat ng sinasabi ng gobyerno
Dahil para yun sa ikabubuti ninyo
Wag puro satsat ang gawin
Dapat maghugas ng kamay ay iyong sundin

Face mask at face shield ay wag kalimutan
Para pamilya mo ay iyong ma protektahan
Wag puro labas ng bahay ang atupagin
Kung di naman importante ang gagawin

Isang paalala lang kaibigan,
Social distancing ay palaging obserbahan,
Alcohol sa bag ay dapat dalhin kahit saan,
QR Code ay wag na wag mong kalimtan.

God bless and keep you always ❤

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : May 13, 2021 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

COVID 19Des histoires addictives. Découvrez maintenant