ulan [tamang trip]

35 0 0
                                        

tama yan.

sumasabay ang ulan.

sa dilim ng langit.

damdami’y nagngingit-ngit.

tama yan,

lumalakas pa ang ulan.

sana’y tangayin,

bugso ng damdamin.

wala ka na,

ang lahat ay tapos na.

ngunit ang ulan ay patuloy,

inilulubog aking panaghoy.

sana’y kasabay ng ihip,

hangin ay humagip,

sa puso mong nakalimot,

alisin lahat ng salot.

lakas ng ulan ay di mapigil,

ang pananabik ay nanggigil,

sa paagbabalik ng iyong alaala,

wag naman sanang bumaha.

oo, tuwing ulan ika’y naaalala,

kasabay nito ang patuloy na pagluha,

hinihintay ang iyong pagbabalik,

oh, ako ay nasasabik.

ulan, tuloy lang sa pagbuhos,

dito ay nalalamang hindi pa ubos,

pagasang ika’y babalik,

madama ulit ang iyong mga halik.

sa bawat patak ng ulan,

bawat ihip ng hangin man,

ikaw ay hinihintay,

kahit pa abutin habang buhay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 24, 2011 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ulan [tamang trip]Where stories live. Discover now