Sam's POV
Hi! Ako Sam Dela Fuente a discreet bisexual, Ako ay 14 na taong gulang at mag 15 na sa susunod na tatlong buwan.
Kakalipat lang namin dito sa Clark's Subdivision Dahil malapit dito ang papasukang eskwelahan ng ate ko,
At dito na rin ako pagaaralin nila mama dahil mas maganda daw ang mga paaralan dito kumpara sa dati kong pinapasukan.
Hindi pa man namin nalilipat lahat ng aming mga gamit ay kailangan ko ng pumasok bukas sa aking linipatang paaralan, oo mabilis no? Kasi sila mama ay inenroll na agad ako bago pa kami kakalipat dito sa aming bagong tinitirhan. Okay naman grades ko walang line of 7 kaya na tanggap agad ako sa paaralang papasukan ko kailangan kasi 85 pataas ang average mo bago ka tanggapin nila.
Kung paguusapan naman ang lugar dito sa amin ay okay naman tahimik pero maraming bahay kasi nga subdivision (corny).
Nagulat nalang ako nang may kumatok sa aking kwarto si ate lang pala "uyyyy, tara labas muna tayo ikutin natin tong Subdivision dali!!" hirit niya at agad naman akong pumayag.
Nagpalit lang ako ng damit at shorts ko at pinuntahan ang ate kong naghihintay na sa labas ng bahay.
"Ang tagal mo naman! Nagpalit ka pa ng dami! Ikaw naglalaba?!" Inis niyang sabi.
"Okay lang yun ikaw naman naglalaba diba?" Pang aasar ko sa kanya, at agad na kaming umalis at gumala.
Sa pag lalakad namin ay may naka pukaw ng aking pansin at yun ay ang malaking bahay na mansion habang nakatingin ako roon ay may lalaking lumabas shocks ang gwapo niya ang tangkad, matangos ang ilong at mestizo ang dating hula ko 17 or 18 na yung lalaking yun, habang nakatingin ako sa kanya ay napalingon siya sa akin kaya inalis ko ang tingin ko sa kanya at sinabayan sa paglakad ang ate ko.
"Crush mo yung lalaki nohh?" Pang aasar ng ate ko.
"Luh nakatingin lang crush agad?"
Inis kong sabi.
"Ohhh bat galit ka? Crush mo talaga yun nohhh? Kala mo naman papatulan ka nun!" Nakatawang sabi niya.
"Sus ate wag ako! At wait baka ikaw may gusto dun ahhh! Ganung klasing lalaki ang tipo mo diba?" Bawi ko sa kanya at bigla naman itong kinilig, luhhh gag* inaasar ko lang kinilig naman ang gaga
Hindi na kami nag asaran at pinagpatuloy na namin ang aming pagiikot sa Subdivision, nakakamangha ang mga bahay dito syempre di uuwi ang ate ko ng di nag papapicture kaya tumagal kami at nakauwi mag seseven ng gabi.
Paguwi namin ay nakahanda na ang hapunan at nakita namin si mama bigla naman namin siyang pinuntahan.
"Ohhh saan kayo galeng? Kanina ko pa kayo hinahanap" tanong ni mama.
"Ma, si ate kasi nag ayang ikutin daw namin tong Subdivision pero Di pa kami nakakalahati at tumagal pa kami pano ba naman puro papicture tong si ate" saad ko at bigla namang tumawa si mama.
YOU ARE READING
Love is Pain(BxB)
WerewolfSam Dela Fuente is 14 y/o turning 15. sa pag lipat niya ng paaralan ay mas marami siyang magiging karanasan at Isa na dito ang umibig, ngunit may happy ending ba ang love story niya?, Kakayanin niya kaya ang sakit pag siya ay nasaktan? Ipaglalaban b...
