"Dylan Louie De Lara." Sabi ko do'n sa may nag-a-assist, he gestured his hand to the right way. At nakita ko naman do'n sa table malapit sa may balcony si Dylan. He's wearing gray polo then black slacks with a designer belt he always used. Brushed up 'yung buhok niya then he's wearing specs.
In all fairness, kahit ano namang isuot nung gagong 'yon, lilitaw pa rin kagwapuhan niya.
I slightly pinched my arm and shook my head. Bakit ko siya pinupuri sa isip ko? Damn!
"Hey." Bati niya nang makarating ako sa pwesto namin. He stood up then went near me, I stepped back dahil akala ko i-be-beso beso niya 'ko, but he just chuckled and pulled out the chair for me.
"T-thanks." I whispered then forced a smile. Hindi pa rin nawawala sa labi niya 'yung ngisi niya. Akala niya siguro nag-aassume akong hahalikan niya 'ko? Aba hindi! No way, over my dead body?!
"You look stunning, baby."
"Thanks, but stop calling me baby. For fvck's sake, I aint 3-year old child, okay?"
Natawa nalang siya tapos ay nag-tawag na ng waiter. Siya na ang umorder para saming dalawa dahil nakakahiya naman tingnan 'yung nasa menu nila, ni hindi ko nga mabasa nang tama 'yung nandoon. Baka mapahiya lang ako.
Isa pa, presyong ginto 'yung mga pagkain! Wala pa yata sa kalingkingan ng presyo nila 'yung perang nasa wallet ko.
"Mahal.." bulong ko na lang.
Bakit ba kasi dito pa napili ng isang 'to, e? Gusto yata akong pag-hugasin ng pinggan dito kapag hindi ako nakabayad!
"Yes, mahal?"
"Gago." I raised my middle finger at him. Feeling ko hulas na 'yung make up ko kahit hindi mainit dito. Nakakailang irap na 'ko at kunot ng noo kay Dylan, e.
Mabuti't dumating na 'yung order namin kaya kumain na kami. May seafoods, may pasta, may salad tapos steak na malaki pa sa plato. Presyong ginto na nga, ang dami pang inorder.
Napatingin ako kay Dylan nang kuhanin niya 'yung plate ko at siya na 'yung nag-hiwa ng steak. Pinag-himay niya rin ako ng mga seafoods using different kinds of utensils. Kung ako 'yon, kakamayin ko 'yun, e.
"Go. Enjoy your food." Sabi niya pa matapos ibalik sa'kin 'yung plate. Tumango na lang ako at tahimik na kumain.
Now I know kung bakit presyong ginto sila, ang sa-sarap ba naman, e. They made the food perfectly. At first, we were silent and just enjoying our food, but naging madaldal si Dylan. He told me about his childhood, his family, and everything he never told me back when we were still together.
Napag-usapan rin namin 'yung past namin.
"Ikaw ba naman, hindi matatapos ang buwan na hindi mo 'ko iniiwan tapos babalikan mo 'ko ng 12 am ng Thursday." Natatawang sabi ko.
Natigil naman siya sa pag-salin ng wine at gulat na tumingin sa'kin. "Weh? Seryoso? May weeksary pala tayo."
Tumango na lang ako at hindi ko na talaga mapigilan 'yung pagtawa ko. I never know that this moment will come, na makakapag-usap kami nang maayos. Mababalikan namin 'yung past namin at tatawanan na lang namin 'yung mga nangyari noon.
"Tsaka ito pa isa. Ang dami mong babae no'n! Ang dami naming girlfriends mo. Daig mo pa Muslim, e."
"Ilan babae ko no'n, bukod sa'yo?"
Kunwari pa 'kong nag-isip pero alam ko naman kung ilan. "Lima siguro."
"Seryoso ba? Ang OA naman nung lima." Tumango na lang ako at umiling-iling. "Sabagay, ikaw pa rin naman tahanan ko no'n, e."
"Ulol. So, 'yung mga babae mo, ano 'yun?"
"Subdivision."
"Tangina mo." Sagot ko na lang at parehas kaming natawa sa pinag-uusapan namin. Marami pa kaming napag-usapan tungkol sa mga bagay bagay. We had a good and smooth conversation. 'Yung walang halong galit or inis. Casual yet smooth discussion.
Nakakatuwa lang isipin. Pakiramdam ko unti unti nang nawawala 'yung galit na nararamdaman ko para sa kaniya.
"I missed your laugh, your voice. I missed talking like this with you. I missed everything about you." Sabi niya pa at nginitian ako.
Agad na kumabog ang dibdib ko sa ngiti niya. That smile.. I used to love his smile. It somehow comforts me and make me feel at ease.
Nag-dessert na lang kami at uminom ng wine hanggang sa maubos 'yung mga pagkain sa table namin.
Nag-tawag na siya ng waiter para mag-bill out.
"Ako na." Sabi ko at inabot 'yung binigay nung waiter. Namilog ang mata ko sa nakita kong presyo.
"Ako na... titingin nung babayaran mo."
Napakamot naman siya ng ulo at bahagyang natawa kaya natawa na rin nung waiter sa'min. Nang makapag-bayad na siya ay lumabas na kami para pumuntang parking.
He insisted to drive me home. Hindi na 'ko umangal dahil late night na rin.
We were silent the whole time he was driving, tanging tunog lang ng sasakyan ang maririnig. I'm feeling kinda awkward, because the last time I sat on his shotgun seat, something happened.
"We're here. Gusto mo ihatid kita hanggang sa dorm unit niyo?" He asked me. Agad akong umiling dahil baka malagot kami sa guard at taga-bantay ng dorm. Bawal pa naman lalaki dito.
"Thank you for tonight.." Sabi ko pa sa kaniya. Tumango siya sa'kin at nilapit ang mukha ko. Akala ko kung anong gagawin niya, but he just pressed his cheek into mine.
"Thank you, baby."
I gave him half smile and scratched my nape. "I-ingat? Yeah, ingat." I said then stepped out of his car. I waved my hands as a goodbye and watched his car slowly fade out off my sight.
YOU ARE READING
Broken and Unfixed
RandomMaaayos pa nga ba ang pusong nilumot na at dinurog ng mga pasakit? Maghihilom pa nga ba ang mga sugat na dulot ng pagkasawi? Can time really heals all wound? Or would it make it even worst?
Chapter Twenty-Four
Start from the beginning
