Magdadapit-hapon na...
Palubog na ang araw...
Madalang na ang mga taong dumadaan sa tulay...
Sa katapusan ng tulay, may dalawang nagtatayugang puno ng Narra. Mabilis na rumaragasa ang tubig sa ilalim ng tulay...
Mabato...
at mataas...
Kay sarap pagmasdan ang pagdaloy ng tubig, kahit walang katiyakan ang patutunguhan nito...
Nandito ako ngayon, nakatayo sa likod ng barrier ng bridge. Konti na lang, mahuhulog na 'ko. Konti na lang, mawawala na 'ko. Huling sulyap sa haring araw, huling dama sa sikat ng araw, at haplos ng hanging tinatangay ang mga dahon nalaglag sa kanilang kinakapitan...
Isang hakbang na lang. Isang hakbang na lang, makakalaya na 'ko sa pasakit ng mundong ito. Pagod na ako. Bugbog na 'kong masaktan...
Gusto ko nang magpahinga. Gusto ko na lang maging parte ng tubig na dumadaloy sa ilog na mamaya lang ay babagsakan ko na...
Huling sulyap, huling luha, huling tibok...
Paalam...
Timmy's POV
Sa likod ng barrier ng bridge, dun ako nakapwesto.
"AHHH!!! Malapit na." "AHHHHHHHHHHH." "KUMAPIT KA!" Nahawakan niya ako.
. .. ...
"Muntik na 'ko ko dun, ah. Whoooh. Tha"
"MAGPAPAKAMATAY KA BA!!! ANG DAMI PANG GUSTONG MABUHAY TAPOS MAGPAPAKAMATAY KA LANG. HOW UNFAIR ARE YOU?!" Sigaw niya na may pag-aalala. OA, 'noh? Close kami. Kaloka.
Hinarap ko sa kanya ang mga palad ko at mahinahong nagsalita, "Chill, highblood lang. Correction, hindi po ako magpapakamatay. Punta ka dito..." Hinatak ko siya papunta dun sa barrier. "...Nakikita mo 'yun... 'Yung panyong 'yun (color pink), kinukuha ko lang po. Bigay kasi sa 'kin 'yun ni Mommy. Well, thank you nga pala for saving my life. Muntik na, buti na lang dumating ka," Tinapik ko siya sa balikat.
Ito lang naman kasi 'yung nangyari. Kanina, I was enjoying watching the water flowing in the river. Suddenly, nalaglag ko 'yung panyo. Medyo mabanas kasi, mainit so mapawis, kaya ayun, I got my handkerchief out of my pocket para punasan 'yung pawis ko. Nag-ooily na rin kasi ako, baka pumangit pa ang Lola niyo. Feeling maganda lang hehehe. Hindi naman sa pag-aano, may ibubuga naman. 'Di yun na nga, accidentally nalaglag 'yung panyo ko. Eh favorite ko 'yun, gift ni Mommy, may burda rin 'yun ng name ko at may Love Mommy pa.
With no hesitation, lumiban agad ako dun sa barrier ng tulay, without thinking my life na nasa danger na pala. Ang taas pa naman... I tried hard... very hard. I completely extended my right hand para maabot ko lang 'yung panyo. Swerte pa rin, hindi tuluyang nalaglag, sumabit kasi dun sa may parang halaman na tumubo sa gilid ng tulay. At mas swerte rin ako kasi kundi dahil sa lalaking OA na 'to, baka pinagkakapehan n'yo na 'ko ngayon, may skyflakes din at chicharron, pero dahil nga perfect timing ang dating niya, na-delay. Whoooohhh.
"Para lang dyan, ibubuwis mo ang buhay mo."
"Hindi naman. Sorry na nga, eh. Please makukuha mo ba 'yun." Paawa face. Tapos nag-utos pa. Spell KAPAL. AKO.
YOU ARE READING
TIMMY AND TOMMY (a chance to cherish...)
RomanceI saved him. I saved her. I loved him. I loved her. Then he was gone. Then she was lost. Now he stands before me again- but his heart has forgotten mine.
