5.

16 3 0
                                    

DY

"SHIT. Ang chaka ko dito, Kulas!" Nandidiring tinapon ko ang tabloid na hawak sa ibabaw ng coffee table ni Erlin.

Matapos ang mala-mission impossible na pagpanhik ko sa condo ni Erlin kanina, hetong ang bumungad sa 'kin. Ang scary as hell kong picture wayback 2016.

Lord, ang totoo? Monday ngayon ah! Ba't may pa-throwback?

"Hayup kang bruha ka! Bunganga mo! Nasa kwarto pa si River," galit na saway ng best friend ko.

Natutop ko ang bibig at tinapunan ng tingin ang kwarto kung saan naroon ang makulit na bata. Sana tulog pa ito o di kaya'y nanunuod ng favorite nitong Star Wars movie.

"Sorry. Tinanong ba ko?" Nahahapong sumandal ako sa sofa at kinuha ang tasa ng swissmiss na na kinulimbat ni Kulas sa balikbayan box ng pinsang galing US.

"Malamang. Panay ang tanong kung asan ka at ba't di ka kasama nang nag-alsa balutan kami kanina."

Nasapo ko ang noo. Naawa ako sa picture na naipinta ni Kulas sa utak ko. Masyado pa namang nagpa-panic agad si River. Anong kayang alibi ang binigay ni Kulas dito?

"Ano ba tong napasok ko? Wala akong bangs pero bigla akong tinubuan," inis na humigop ako. "Wala pa ba si Erlin? Alak na alak na ko eh!"

"Malapit na daw siya. Hindi lang makalusot sa dami ng press na nasa ibaba. Ganda mo, Dy. Sarap mong salaksakin sa gums."

Inirapan ko ang kaibigan. Hanggang ngayon umuusok pa din ang ilong nito nang malaman na tinanggihan ko ang opportunity of a lifetime. Ang tanga ko daw sa part na isang dugong bughaw na ang lumalapit sa gaya kong dukha, nagmalaki pa ko't nag maganda.

Okay, tanga na kung tanga. Pero hindi ko kayang matali sa isang lalake dahil lang sa amy nangyari sa 'min. Hindi naman na ko virgin at sabihin na nilang baliw ako pero pangarap kong makasama yung lalakeng love ko naman. So, no. Kahit pa super gwapo ni Prince Lachlan. It's a big fat no. Kasing taba ng ano niya.

"Aray!" Hawak ang tenga, tinapunan ko ng masamang tingin ang kaibigan. "Makapingot ka naman. Huwag kang bitter, okay? I made a sensible decision," asar na ginaya ko ang accent na na-adopt nito sa trabaho with matching pilantik ng daliri.

Ending, umikot ang mata ng baliw kong kaibigan. Kung nagbubuga ng kutsilyo ang mga mata ni Kulas baka pinaglalamayan na ko kanina pa.

"Pota ka! Huwag mo kong maratsadahan n'yang sensible sensible na 'yan ha?Pino-problema ko pa nga kung paano umiihi ang manok, dumagdag ka pa!" Inihagis nito ang throw pillow na binili ni Erlin sa SM, courtesy of the FB group Home Buddies.

" Ano ba, Kulas? Ba't ba galit na galit ka? Dapat nga maging proud ka sa 'kin, di ba? Bihira ang babaeng gaya ko ngayon," kinipkip ko ang unan at sumandal sa sofa. "May paninindigan," proud na dagdag ko.

"Wow! Proud? Big word, Dy," nakakalokong pumalakpak ang gago kong kaibigan. "Bruha, kamo nanggigigil ako sa'yong babae ka. Sarap mong ingudngod sa sahig. Royalty 'yon. Prinsipe, tinanggihan mo pa! Gaga to. Mabubusog ka ba ng pride mo na 'yan, ha? Mapapkain mo ba si River ng shutang inang paninindigan na 'yan?"

Umikot ang mata ko sa reaksiyon nito. Akala ko tapos na siya sa paghuhurumentado sa oag iwan ko kay Prince Lachlan sa loob ng opisina nito sa pier. Or office n'ya nga ba 'yon? Hindi ko alam. Basta nilayasan ko siya at take note ang yabang ko sa part na 'yun.

Flip hair, Dy.

"Anong gusto mong gawin ko? Umiyak sa tuwa't yakapin ang prinsipe, ganoon ba? Tapos, tanungin ko na din kailan ang kasal?" Sarkastikong ani ko.

Thrones Of The Hearts (Reino De Filipinas 4)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt