Bigla akong kinabahan. "Ibabalik ko na lang kung ganoon. Baka i-alay mo ako sa kulto,"

"Gaga! Kung gagawin kitang alay sa kulto, house and lot at cold cash ang ibibigay ko sayo, no! Kala mo sa mga kulto cheap?" usal nito.

"Isang honest na sagot lang naman para sa isang tanong ang hinihiling kong kapalit,"

Pinanliitan ko siya ng mata. "Anong tanong?"

"Mahal mo ba si Sir Elohim?"

Natigil ako sa tanong niya. Napipi ako. Hindi ko mahanap ang boses ko para magsalita. I can't formulate words to answer that question. I should say no... but I'm not sure.

"Hindi... ko alam," bulong ko.

Tumango si Mara. "Pakibantayan lang ang puso Torry. Mga lalaking tulad ni Sir?" ani niya na may malungkot na ngiti sa labi. "Nakakawasak ng buhay pag minahal mo."

Nagsiuwian na kami ng papalubog na ang araw. Lucas was eyeing me as I quietly slid on the seat at his back. I wrapped my arms around his waist and rested my cheek on his back as he turned on the engine.

Puno ng tawanan ang tricycle nila Mara na sinusundan namin ni Lucas. Hindi katulad nila, tahimik kaming dalawa ni Lucas. Pinakatitigan ko ang papalubog na araw at naghatid ito ng kalma sa aking sistema.

Lumilipad ang isip ko sa mga sinabi ni Mara. Sinasabi ko na hindi ko poproblemahin ang mga bagay na hindi pa nangyayari. Pero hindi ko maiwasang matakot.

Pagbaba ay dumiretso ako kina Mara habang nagtatanggal ng helmet. Nagpasalamat ulit ako sa kanya bago siya nagpaalam sa akin. Nagpaalam din sa akin si Paul at ibang kasama nito na nginitian at tinanguan ko lang.

Napagod yata ako sa mga pinaggagawa ko ngayong araw. It should be my rest day but I was restless. Bumalik ako kay Lucas at nadatnan siyang may kausap sa cellphone. Pinatay niya ito ng nasa harap niya na ako.

Iniabot ko ang helmet pero hindi niya iyon tinanggap at nanatiling nakatitig sa akin.

"Kailangan ko ng uminom ng pills, Lucas." pagod kong saad.

Tumango siya at tahimik na kinuha ang helmet. "It's in my room," sabi niya at binitbit ang tote bag ko.

"Okay," tanging sabi ko lang at nauna ng maglakad.

Tahimik siyang nakasunod sa akin at ramdam ko ang titig niya sa likuran ko. What Mara said earlier drained most of my remaining energy. Ayos na ako, eh, tapos biglang kailangan ko ulit pag-isipan mabuti kung tama ba itong pinapasok ko.

Kinuha ko ang spare key na binigay niya sa akin sa pitaka ko. Pinauna ko muna siyang papasukin.

Nagtagal ang tingin niya sa akin bago pumasok na umiigting panga. Pumasok na din ako habang inilapag niya ang tote bag sa coffee table.

"What's wrong, Torry?" Nilapitan niya ako pero agad akong umatras palayo sa kanya.

Pain crossed his face. He clenched his fist. "Was this about what we did in the fitting room? I'm sorry, it won't happen again, baby," he said in a horse voice.

"Hindi. Hindi ito tungkol doon," iling ko. "Nasaan ang pills?"

He sighed. Parang mauubusan na siya ng pasensya. "A moment," May tinawagan siya ulit sa cellphone. Lumapit ako sa sliding glass wall at niyakap ang sarili habang tinatanaw ang baybayin.

Maya-maya ay may nag-doorbell. Agad niyang pinuntahan ang pinto habang may katawagan pa sa cellphone.

Pagbalik niya ay may inabot na siya sa aking maliit na basyo. Kinuha ko iyon at pumunta sa kusina. I opened the ref and took out a bottled of water. Binuksan ko ang basyo at binutas ang foil sa lid nito.

Sweet Vittoria ReignsWhere stories live. Discover now