Hanggang sa makarating kami sa locker room at makuha namin 'yung mga gamit ay hindi pa rin ako makapag-isip ng tama. Gusto ko siyang kausapin, pero paano? Naka blocked siya sa'kin sa lahat ng accounts ko. Wala na talaga akong maisip na paraan, sa totoo lang.
Saglit akong napatingin sa langit at humingi na lang ng sign kay Lord. "Papa G, isang sign lang. Isa lang talaga. Kakausapin ko na si Dylan kapag.." napalingon ako kay Alexa at nakita kong naiiling siya habang nakatingin sa'kin. "..kapag nakita namin si Sir Rence at kinausap niya si Alexa."
"Aya, bakit naman gano'n?" Tanong niya pa.
"Hayaan mo na." Sagot ko na lang at umalis na kami. Pumunta muna kami ng canteen para mag-lunch dahil mag a-ala una na rin. Siya na ang umorder para sa'ming dalawa. Nakaupo lang ako habang hinihintay siya, nilabas ko 'yung phone ko para mag-selfie sana pero nahagip ng camera ko si Dylan.
Agad akong nanlamig at parang naubos lahat ng dugo sa katawan ko. Naramdaman ko ang pagpapawis ko nang malamig.
"Hey, can we talk?"
Fuck, ayan na nga, e.
"No. Busy ako." Tipid na sagot ko nang hindi tumitingin sa kaniya.
"How 'bout dinner? We got the highest score in our activity. I'm thinking that we should celebrate that." Sabi niya pa. Tangina naman, ganito ba siya ka-casual? Like, ano, hindi ba siya affected sa ginawa namin?
Parang wala lang sa kaniya 'yun, ah!
Saglit akong napapikit nang mariin at napahilot sa bridge ng nose ko. "Kulit naman. I-celebrate mo nalang mag-isa. Tutal, ikaw naman halos ang gumawa no'n."
"I want you."
Napaangat ako ng tingin sa kaniya at napakunot ang noo. Is he teasing me or what? I remembered, ganiyan rin 'yung sinabi ko sa kaniya noong—
Ay, wala. Ayoko na nga! Pesteng 'yan!
"I mean, I want you to come with me and have dinner with me."
Gusto ko sanang ibuka 'yung bibig ko para itanong sa kaniya kung wala lang ba sa kaniya 'yung nangyari sa'min, or kung hindi ba siya apektado, pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung saan kukuha nang lakas ng loob. Baka mamaya ma-misinterpret niya, akalain pa niyang hindi ako maka-get over sa nangyari.
Magsasalita na sana ako ulit nang bumalik si Alexa. Napatingin siya kay Dylan at parang nagtataka kung bakit nandito siya sa pwesto namin.
Hindi naman siya kumibo at umalis na rin si Dylan. Nakahinga ako nang maluwag nang kami nalang ulit ni Alexa ang nandito. Nag-simula na kaming kumain.
"Ano 'yon? Nag-aalok ng round two?"
Muntik ko nang maibuga 'yung kinakain ko dahil sa tanong niya. Bunganga talaga ni Alexa, walang preno, e!
"Dinner daw." Tipid na sagot ko.
Tumango naman siya pero nandoon pa rin 'yung ngisi na naka-paskil sa bibig niya. "Oh, ano sabi mo? Dinner with dilig ba?"
"Loka, hindi. Dinner nga daw. Sabi ko ayoko."
"Bobo, akala ko ba gusto mo na kausapin."
"Tanga, may sign nga 'di ba? Kapag nangyari na 'yung sign ko, tsaka ako makikipag-usap." Sagot ko na lang at tinapos na 'yung pagkain ko.
Nang matapos kami kumain ay lumabas na kami ng canteen. Hanggang nasa loob pa kami ng campus ay hindi ko maiwasang hindi mapalingon sa kung saan saan, baka kasi makasalubong talaga namin si Sir Rence. Tapos ano? E'di natupad na 'yung sign na hinihingi ko?
E'di kakausapin ko na si Dylan?
Parang ayokong matupad 'yung sign, pero parang gusto ko rin.
"Ay, ewan! Pisteng yawa!" Napapadyak nalang ako sa inis.
"Ano na naman? Kumalma ka nga." Sabi pa ni Alexa sa'kin. Inirapan ko na lang siya. Paano naman akong kakalma?! Parang napapraning na 'ko.
Napangiti naman ako nang makalabas na kami ng campus. Ibig sabihin, walang Sir Rence na kumausap kay Alexa.
Gosh, ibig sabihin hindi talaga kami dapat mag-usap ni Dylan.
"Punta tayong 7 eleven. May bibilhin lang ako." Tumango nalang ako sa sinabi ni Alexa. Nag-aabang na kami ng sasakyan sa waiting shed nang mapalingon kami sa nag-salita.
Agad namilog ang mata ko sa nakita ko.
"Tangina."
"Watch your mouth, Miss Santiago." Madiin na sabi ni Sir Rence. Napa-takip na lang ako sa bibig ko at nag-peace sign.
Shet naman! Bakit nagpakita samin 'to?!
"Alexa, KPOP fan ka pala?"
Ay, tangina talaga. Kinausap talaga niya si Lex.
So... dapat talaga kaming mag-usap ni Dylan? Dahil natupad 'yung hiling kong sign?
"O-opo.." Kanda utal pa na sagot ni Alexa.
Bahagyang ngumiti si Sir. "Annyeonghaseyo." Sabi pa nito at umalis na rin dahil may sasakyan na huminto sa harapan niya.
"Shet, kinikilig ako. Kinikilig ako!" Nagpapaypay pa si Alexa gamit ang kamay niya. Marahan pa niyang inaalog 'yung balikat ko.
"Gago, kinausap ka talaga 'no? Nakakainis naman! E'di, kakausapin ko na talaga si Dylan?" Tanong ko na lang habang nakatingin sa kawalan.
Napailing na lang ako at nilabas 'yung phone ko para i-unblock 'yung number niya sa phone ko. I have no choice, isa pa, I asked for this sign. Siguro tama lang na mag-usap kami.
+63905023****
G. Dinner.
I inhaled large amount of air before I finally hit the send button.
YOU ARE READING
Broken and Unfixed
RandomMaaayos pa nga ba ang pusong nilumot na at dinurog ng mga pasakit? Maghihilom pa nga ba ang mga sugat na dulot ng pagkasawi? Can time really heals all wound? Or would it make it even worst?
Chapter Twenty-Three
Start from the beginning
