"Ms. Llanera, I have the results of your test." Saad sa akin ng doctor pagkaupo ko sa upuan sa kanyang harap.
Mahigpit akong napahawak sa aking nanlalamig na kamay. Kinakabahan sa kung anong lalabas na resulta.
Isang buwan ko ng napapansin ang nangyayari sa katawan ko. Kaya naman nagpatingin na ako sa doctor para makasigurado.
Kahit nahihirapan ay inalis ko ang bara sa aking lalamunan bago magsalita.
"A-ano po ang findings doc?"
---
Napabuntong hininga ako paglabas ng opisina ng doctor ko at mabagal na naglalakad sa hallway ng ospital patungong elevator.
Pagpasok ay napasandal na lang ako matapos pindutin ang ground floor. Para akong pagod na pagod oh baka isa ito sa mga symptoms ng findings.
Hindi ko alam. Wala naman akong alam tungkol sa ganito. Ano kayang magiging reaksyon ni Marco kapag nalaman niya ito?
Bumukas ang elevator at lumabas na ako ng ospital. Hindi muna ko umuwi at nagstay sa parang garden ng ospital at nagpahangin. Iniisip kung anong dapat kong gawin tungkol sa sitwasyon ko.
Ilang sandali pa ay inilabas ko ang telepono ko at may tinawagan. Agad namang sumagot ang nasa linya.
"Oh Janine, napatawag ka?" Pagsagot ni Shaira kaibigan ko.
"Si Janine ba yan? Janine miss ka na namin! Lagi ka na lang busy!" Natawa naman ako ng marinig ang boses ni Claire.
"Miss ko na rin kayo. Busy ba kayo?" Sagot ko sa kanila.
"Sa sarili mo dapat tinatanong yan. Alam mo naman kami hindi naman kailangan 24/7 sa opisina na di kagaya mo halos ayaw na pauwiin ng boss mo." Sagot ni Shaira.
"Hindi ako busy. I'm actually free at the moment. Pwede ba tayo magkita-kita? Miss ko na rin talaga kayo eh." Sagot ko.
Bahagyang tumahimik ang nasa kabilang linya ngunit hindi rin nagtagal ay muling may nagsalita.
"May problema ka ba?" Si Claire.
Hindi ako nasagot at nakarinig ako ng buntong hininga mula sa kabilang linya.
"Text us your location or kung saan man tayo magkikita-kita. Papunta na kami." Sagot ni Claire ng hindi ako nagsalita.
Napangiti naman ako dahil dun. Napakaswerte ko dahil may kaibigan akong kagaya nila. Kahit hindi na kami masyadong nagkikita.
"Sige hihintayin ko kayo." Yun lang ang sinabi ko at namatay na ang tawag.
---
"Janine, omg namiss ka namin!"
Napalingon ako sa nagsalita at yumakap sa akin. Si Shaira. Nakita ko sa likod niya si Claire na tila pinag-aaralan ako.
"Namiss ko rin kayo." Sagot ko at yumakap pabalik.
Naupo naman sila sa upuan sa harap ko matapos ang batian at agad nila akong kinamusta.
"Kamusta ka? May problema ka ba?" Yun agad ang bungad sa akin Claire na seryoso pa rin ang mukha.
"Ha? Tara order na tayo." Aya ko sa kanila at agad na tumawag ng waiter.
YOU ARE READING
Sir, I Resign
RomanceMr. Ceo's most trusted and reliable secretary suddenly wants to resign for an unknown reason. Subalit sa hindi malamang dahilan ay ayaw niya itong pakawalan at palitan. What will he do to make her stay?
