Teaser

3 0 0
                                        

SHOCKING NEWS: "KAEIA SABRINO IS NOW ENGAGED TO RUMORED BOYFRIEND IAN FRANCISCO MARCHESI"

Ikinagulat ng buong showbiz industry ang paglabas ng larawan ni Kaeia Sabrino at ang pintor- na ngayo'y aktor- na si Ian Francisco Marchesi kung saan kitang- kita ang nakaluhod na si Ian sa harapan ni Kaeia. Ang naturang proposal ay naganap noong Art Exhibit ng pintor na naganap sa Manila Galleria.

Kinumpira ng manager ni Kaeia na si Marissa Mendoza ang katotohanan sa likod ng larawan. Tikom naman ang newly-engaged couple maging ang pamilya ni Kaeia sa pangyayari. Habang ang ka-loveteam nito na si Alexander 'Chan' Johnson na ex-boyfriend din nito ay maikli lamang ang naging pahayag.

"I'm happy for Kae. She deserved this, really."

Sa ngayon ay hinihintay pa ng maraming tao ang katotohanan sa pagpapakasal ng dalawa.

Bella StellaStories to obsess over. Discover now