Synopsis

179 8 0
                                        


A Lonely Star Among the Clouds

(Nalulumbay na Bituin sa Hanay ng mga Ulap)

By: John Michael Guco

Sa Paglipas ng Gabi

Ngayong gabi, mag papadala ako sayo.

Malapit sa'yong binta na nag liliwanag na alitaptap.

Tanda ng aking pag-ibig.

Naaalala ko pa ang ating unang halik.

Pupunta sa malayong lugar at ipinipikit ang aking mga mata.

Tulad ng mga letra sa buhanginan, kung nasaan ang mga alon.

Pakiramdam ko, lumisan ka na.

Palagi kitang naalala at nasasabik sayo

Lahat ng salita sa puso ko, hindi ko na maipapakita pa.

Pero lahat ng iyon, nais lang sabihing mahal kita.

Napaka palad ko na makilala ka, isa kang biyaya.

Kung tayo ay mag kasama, ang saya siguro no.

Tulad ng mga letra sa buhanginan, kung nasaan ang mga alon.

Pakiramdam ko, lumisan ka na.

Paulit-ulit akong masasabik sayo,

Lahat ng mga salita sa'king talaarawan.

Hindi ko na maipapakita pa sayo, na minahal kita

Ngayong gabi, mag papadala ako sayo.

Malapit sa'yong binta na nag liliwanag na alitaptap.

Sana, magandang panaginip lang ito.

Through The Night

By: IU

Album : Palette

Written by : IU

Composed and Produce by : Je-Hwi Kim and Hee-Won

Tagalog Interpreted from English Translation by : John Michael Guco

Sa pag daan ng mga gabi. Palaging iniisip ni Jo-ah kung bakit napaka bigat ng kanyang nararamdaman. May parte sa puso nya na para bang nawawala. Tuwing pumupunta sya sa may batis, na malapit sa Templo ng Haru. Palagi nyang pinag mamasdan ang mga Alitaptap na lumilipad tuwing gabi.

"Ba't parang pakiramdam ko pamilyar tong lugar na to sa'kin. Pakiramdam ko may katabi ako na nakaupo sa punong ito. Sino ka na palaging hinahanap ng puso ko?" Tanong ni Jo-ah sa kanyang sarili.

Bata pa lang si Jo-ah ay hindi na nito nagawang makipag kaibigan sa iba dahil pakiramdam nya parang di sya kabilang sa panahon na iyon. Pilit syang dinadala ng kanyang mga paa sa batis na gabi-gabi nyang pinupuntahan. Pinag mamasdan ang puno. Dinadama ang kahoy nito na para bang sinasabi na "Darating ang panahon na makikilala mo din ang taong hinahanap ng puso mo."

Palaging pinalilibutan ng mga alitaptap si Jo-ah. Ligaya ang naibibigay nito sa kanya. Kahit papano nawawala ang lungkot na kanyang nararamdaman. Mga alitaptap na nag bibigay liwanag sa madilim na gabi. Mga alitaptap na nag bibigay liwag sa madilim na daan.

Paano nga ba masasagot yung mga tanong na kahit ikaw din mismo ay hindi mo maintindihan. Palagi kang may hinahanap na tao na kahit yung itsura at pangalan ay hindi mo alam. Mga tanong sa isip ni Jo-ah na hindi nya magawang masagot.

"Palagi kitang hinahanap hanap, pano ba kita makikita?" Tanong ni Jo-ah sa kanyang sarili habang nakatitig sa puno na malapit sa batis. "Bakit tuwing na aalala kita sumasaya yung puso ko kahit hindi ko alam yung itsura at pangalan mo? Bakit pakiramdam ko minahal kita kahit hindi pa kita nakikilala?" hindi na napigilan pa ni Jo-ah ang pag tulo ng kanyang mga luha.

A Lonely Star Among the Clouds [COMPLETED] (BXB,BL)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora