Bigla naman siyang tumayo. At pagtingin sa akin.

“IKAW!!!” turo niya sa akin. Oh ano naman ang ginawa ko dito? Ang inti ng ulo nito sa akin ah.

“OH?”

“Wala ka na bang gagawing matino? HA!!” ako pa ang tinanong? Parang wala siyang ginawang kalokohan ah.

“Ano na naman ba ang pinuputok ng butsi mo?” kakapikon na to ah. Ako na lang lagi ang sinisisi. Kapag may pangit na nangyari sa kanya ako agad ang may kasalanan? Takte naman oh! Nakakasawa na!

“Butshinin mo mukha mong jablo. Ang kapal talaga ng mukha mo. Ah kaya pala hindi ka pumasok kanina kasi may hinahanap ka. So ito nay un?” tapos pakita ng box.

“ano naman yan?”

“WOW! Maangmaangan na naman. Pwede ka ng maging artista. Best Actor pa!” kuhh!! Kung hindi lang to babae nasapok ko na ito. Eh sa hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya anong magagawa ko ?

“Teka! Hindi ko alam kung san yan galing. Basta ang alam ko hindi yan galing sa akin.” Para namang bata ako dito na nagdedeny. Eh sa hindi talaga sakin eh!

"Wag ka ng magsinungaling, alam ko namang ikaw lang ang maaring gumawa nito! Ano sa tingin mo sakin walang puso? Nasasaktan din ako” ang drama naman nito.

“Sa tingin ko? Wala ka na ngang puso. Mukhang nababalutan nay an ng taba!” HAHAAH! Asarin ko pa nga ng lalong magalit. Walang hiya! Ako ang pinagbibintangan.

“Oh pre tama nay an!” Awat naman sakin ni Joey. Mga kaklase namin tahimik lang nakikinig samin. LIVE daw! HAHA! Parang sa theatre lang kami eh no?

Hindi na nga bumalatak pa itong si taba! Buti naman at nakakabingi na tsaka buti dumating na rin si Ma’am Chemistry nang matapos na.

Pero san ba galing talaga yung regalong iyon? Napapahamak na ako ah. HAHA! Pero saludo ako. Binara niya yung regalo sakin ni hazel! HAHAH!

HAZEL’s POV

WOW ha!? Prepared siya!

Nakakaasar! Akala ko makakaisa na ako sa kanya. Tapos siya pala ang makakaisa sa akin. Hay ano ba yan!

At mukhang alam ang binabalak ko! Binara niya yung pampurgang binigay ko sa kanya!

Mantikain mo yun, niregaluhan ako ng BULATI!

YUCK lang! Bulati talaga.

Ang ganda pa ng note niya,

Again, to the sexiest girl that I’ve known, Hazel:

      This earthworm symbolizes my care for you. Unqiue care that no one can compare with. I hope that this earthworm will eat all your fats. Para hindi ka na rin uminom ng kung anu-anong pampapayat. And I think this is the fastest way to lessen all your cholestherol that you’ve stored to your stomach. Sige na. humayo ka at magparami ng bulati :P HAHA!

                                                                                                      Concerned;

                                                                                                          NEIL

Oh see? How sweet!

Sino kayang sumabutahi ng plano ko? Malalagot sa akin kung sinong nagsumbong kay Niel!

 As in! LALAGUTAN ko siya ng hininga! Puputulin ko ang ulo niya!! WALANGHIYA naman ooh!!

At anong tingin sakin ng jablong yan? Na wala na akong pag asang pumayat? WOW ha? Para namang malalamun ng bulati lahat ng mga taba ko. Siguro pampurga na lang iinumin ko mukhang mas effective pa. Tsss. HANOBAYAN!!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reduce 62.8 lbs in just 3 monthsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon