“TSK! Hindi yan ang ibig kong sabihin” TOINKS

“eh ano?” hindi agad linawin.

“bakit ang taray taray lagi. Pinaka pa sa akin. Parang araw araw may dalaw ah” Sumeryoso na itong ungas na ito, kaya napilitan narin akong magseryoso. Ang hirap pa naman magseryoso lalo na kung ang pinag uusapan niya ay nakakatawa. NATATAWA na nga ako pinipigilan ko lang.HAHA

“Siguro masama lang talaga ang inyong first encounter. Kaya nakabuo agad kayo ng maling impression sa isa’t isa. Pero kung makikilala niyo lang ang isa’t isa? Tss. Aywan ko lang” Hindi yata bagay sa akin?

Very well said ba?

Ako pa!

“Eh pano naman kasi. Sinong hindi maiiyamot dun. Daganan ka ng higit sa dalawang kaban ng bigas ang timbang. Tapos sa ganitong katawan?” Sabay turo niya sa kanyang katawa. May sa palito din pala are eh.

“Hindi kasi kayo nagpapatalo. Gusto niyo lagi kayo ang panalo. Asar dito asar dine. Magtataka ka pa kung bakit siya ganun?” Kakaiyamot naman are. Hindi pinapairala ng utak. Obvious naman kung ano ang dahilan.

Makapagtanong lang eh no?

“Teka teka. Nakokonsensiya ka na ba sa ginagawa mo?” nakakahalata na ako eh. Bakit siya interesado kay bhest. Hmm. Mukhang sumasang ayon sakin ang tadhana. WAHAHA

“Ako makokonsensiya? Sapak gusto mo. Diyan ka na nga” WALK OUT? Wala ka pala eh! Siguro hindi siya pinapatulog ng kanyang konsensiya. Ano ka karma!

Ang pag-ibig mahirap takasan. Mahirap itago.

At sa napapansin ko.

MUKHA NGA! HAHAHA!

HAZEL’s POV:

HAYY! Ano nga ba naman tong nararamdaman ko?

Bakit bigla akong naguguluhan.

Ni hindi ko nga ako mapakali.

Ano ba naman kasing naging epekto nun sa akin.

Tsss.

Bakit sa kanya pa?

Pero aaminin ko gwapo naman siya ewan ko na lang sa inyo.

HAHAH! So Alam niyo na kung sino ang iniisip ko?

Yeaahhh.. TAMA kayo!!

Si Xian Lim. HAHAH! Joke. Oo na si NIEL na nga po!

Ewan ko nga ba kung bakit ko siya iniisip. Matapos niya akong regaluhan at pulapulaan.

Kung ginanun niya ako gaganunin ko din siya! WAHAHAHAH!

Pero paano??

?

*TING* light bulb.

HAHA! Ambilis ko talagang makaisip ng bright idea.

 “OY Bhest!!” tawag ko sa kanya pagkalabas namin.

“OH?”

“Tara sa BAY MALL!” nagkakalimutan na yata ah. Abah! Ang nasabi ay nasabi na!

“Tsk! Tara” Para namang labag sa kalooban eh! Tsk!

“Ilang kahon ba ng kape ang bibilhin mo??may paglalagyan ka na bang bodega?” WOW! So anong gusto mong palabasin?

Bodega talaga?

“Hoy FYI! Iinom ako ng nescaFIT kasi maganda daw yun sa katawan. Nagpapagaling daw ng sakit??” HAHA!sagot ko sa kanya habang pasakay na kami ng jeep. Makalusot lang eh no?

Reduce 62.8 lbs in just 3 monthsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang