Chapter 1

4 0 0
                                    


I woke up in the alarm that I've set last night at masakit pa ang mata ko dahil sa napuyat ako kakanood ng kdrama kagabi. Habang bakasyon pa nood lang tayo ng nood dahil once mag open na ang class I will be busy as a bee na.

I just graduated from Senior High School and I am incoming first college in the next academic year and I am planning to take Civil Engineering.

"Anak, pwede ba na ikaw muna ang magdeliver kina Eleanor ng kakanin na inorder ng mommy niya kahapon?"

"Sige po Nay, maliligo lang po muna ako." Sabi ko sabay kuha ng tuwalya para makapunta sa ibabang C.R.

In less than thirty minutes I've finished taking a bath at nagbihis agad para makapunta na kina Eleanor.

"Nay, nasaan na po ang mga kakanin na para kay Tita Elle?" sigaw ko dahil hindi ko makita si Nanay sa kusina.

"Nandyan sa lamesa 'nak. Naka-eco bag na blue at may pangalan ng Tita mo. Paki-kamusta na lang ako kay Tita Elle mo." Nasa likod ng bahay siya at nagdidilig na naman ng kanyang mga halaman.

Dala ang mga kakanin, sumakay na ako sa motor na may box na bag sa likod at doon inilagay ang mga kakanin. Papunta na ako kina Eleanor nang maisip ko ang cellphone ko na naiwan ko ata sa kwarto ko.

Nakarating na ako sa subdivision nina Eleanor at nakita ko si Eleanor na kakarating lang at hinuha ko na nag jogging.

"Tres!" sigaw nito ng makita niya ako at ngumiti siya ng malaki habang kumakaway pa ang dalawang kamay nito.

Pinark ko muna ang motor ko para masulubong ko siya. Kinuha ko na rin ang kakanin na para sa Mommy niya.

"Pasok na tayo, nag order ang Mommy mo ng kakanin." Salubong ko sa kanya at inakbayan niya ako agad habang papasok na kami sa bahay nila.

"Mom, nandito na si Tres! Nag order ka pala ng kakanin nila, hindi ka man lang nagsabi." Sabay simangot nito.

"How are you, hija? Nice to see you again, you look blooming." Salubong nito sa akin at hindi pinansin ang anak na nakasimagot.

"Nangangamusta po pala si Nanay, Tita."

"Thank you hija. Salamat talaga sa kakanin, I've been craving na kasi ng kakanin ng Nanay mo at pinakakamusta ko rin siya. I miss chatting with her na."

" Mom, punta muna kami sa kwarto ko, we have something to talk about kasi." Hila-hila na niya ako habang nagsasabi sa mommy niya.

"Be gentle, hija. You're hurting your friend."

Sumalubong sa akin ang elegante niyang kwarto at pinaupo niya ako kaagad. Iniwan niya ako saglit at kinuha niya ang macbook niya at may ipinakita sa akin.

"Look Tres, I have been eyeing universities that we should enroll" nagulat ako sa sinabi niya dahil balak ko sa public university dahil hindi kakayanin ni Nana yang malaking tuition lalo na sa kursong gusto ko.

"Eleanor, may sasabihin sana ako"

"What is it?" napabaling siya sa akin.

"Balak ko kasing mag Civil Engineering sa College."

"Really? I thought business related course ang kukunin natin?"

"Napagisip-isip ko kasi na hindi ko talaga gusto mag business and I really wanted to be an Engineer. You know, it was the dream job of my father." Natahimik siya at hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin.

"Mga hija, you should eat muna downstairs at baka gutom kana Tres" ani ni Tita Elle at pumasok ito sa kwarto ni Eleanor.

"Uuwi na po ako Tita baka hinahanap na po ako ni Nanay. Eleanor, mauna na ako."

Hindi niya ako tinapunan ng tingin at parang nag-iisip nang malalim. Pinabayaan ko na lang muna siya dahil buong akala niya talaga ay business kaming dalawa. This is one of the important decisions I needed to choose that's why I'm hoping that she would respect it because she's my bestfriend.

Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: May 11, 2021 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

Impossible EffortsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum