"A-andrei!"
Sabay na napatayo si Gailyana at Leticia.Papalapit ito sakanila.Parang gustong tumakbo palabas ni Gailyana.May kutob siyang kanina pa ito nakikinig sa usapan nilang mag-ina.
"Kung maaari po sana gusto kong makausap si Gailyana." matigas ang tinig na paalam nito kay Leticia.Bago tumalima ay marahan nitong tinapik ang kanyang balikat.
Kitang-kita niya kung paano namuo ang tubig sa sulok ng mga mata ni Andrei.
"Bakit hindi mo sinabi agad sa akin? Bakit mo inilihim ang lahat Gailyana?" nanginginig ang boses nito.
Nagsimulang sumunod ang kanyang mata sa sakit na nararamdaman ng kanyang puso.Narinig nga nito ang kabuuan ng pag-uusap nila.Wala na siyang lusot.
“Natatakot ako sa mga maaaring mangyari.Iyon ang totoo.”
“Iniisip mo lang ang sarili mo kung gano’n.”
“Hindi ‘yan totoo!”
Hindi pa man nag-iinit ang pag-uusap nila ng bumalot sa buong kabahayan ang malakas na boses ni Leticia.
“Gailyana ang anak mo!”
Nagkatitigan sila ni Andrei.Nagmamadaling tinungo ang pinanggalingan ng boses nito.
“Ma?”
Nabugaran nila itong yapos ang batang walang malay.
“Naabutan ko siyang nakikinig sa pag-uusap ninyo.Siguro nga kanina pa siya lihim na nakikinig sa pag-uusap natin.Hindi kaya nabigla siya?”
Binigyan siya ng nagtatanong na tingin ni Andrei.Puno ng pag-aalala at pagkataranta ang anyo.Inagaw ang bata kay Leticia.
“Dalhin natin ang anak ko sa ospital!”
“Hindi na kailangan.Sakit na ‘yan ni Drei.Pahinga lang at magiging maayos din siya.Mas mabuting hintayin nalang natin siyang magising.”
“How can you be so sure na magiging maayos lang siya? Wala siyang malay Gailyana! He’s obviously unconcious!”
“Alam ko.Ako ang nagpalaki sakanya kaya alam ko kung ano ang nangyayari sakanya ngayon.”
“That is because you never let me know this thing.Tinago mo ang lahat sa akin.”
Pinagitnaan sila ni Leticia.
“Pwede ba huwag kayo ditong mag-away.Sige na.Sa labas kayo mag-usap ako ng bahalang magbantay sa apo ko.Tatawagin ko kayo oras na magising na siya.”
“Okay lang ba talaga ang anak ko?”
Tinanguan ni Leticia si Andrei.Bago lumabas ay dinampian ng halik sa noo ang walang malay na musmos.
YOU ARE READING
" Forgiving GAILYANA" (COMPLETED)(EDITING)
RomanceGailyana was from a well-off family. She was used of getting things she wanted no matter how. Until something withering took place. Her dad died and all the luxuries they owned vanished. She was applying for a job when he met Andrei. He was the man...
