"Wala ba kayong mga kamay? Ang gagaling ng SLR Dancers!" Sabi pa nung emcee at nag-ingay naman sa quadrangle. Nasa backstage naman na kami ng mga dancers dahil kailangan ko pang mag-bihis ng seductive maroon dress para sa next na sayaw namin. Si Levin naman ang kasama ko, Entrep student, magaling rin siyang sumayaw.

"Okay, and now to give us some hot and steamy dance number, let us all welcome Kaye Santiago and Levin San Gabriel!!" Pagkarinig namin noon ay nagkatinginan pa kami ni Levin at tumango na lang para iassure ang isa't isa na kaya namin 'to. Nauna siyang lumabas ng stage dahil pepwesto pa siya sa may piano stand do'n.

Nang marinig ko ang umpisa ng Earned It ng The Weeknd ay dahan-dahan akong lumabas ng stage. Pa-sexy pa 'yung movements ko dahil sinasabay ko sa beat nung kanta. Habang nagp-piano si Levin sa isang gilid ay naka-tingin siya sa'kin.

Inartehan ko nalang 'yung tingin ko sa kaniya at nang makalapit ako sa kaniya ay pumwesto ako sa likod niya.

Cause boy you're perfect,
You're always worth it
And you deserve it
The way you work it

Kasabay nang tugtog na 'yon at hinagod ko 'yung kamay ko sa mukha ni Levin pababa sa may leeg niya hanggang makarating ito sa may butones ng damit niya.

Naririnig ko ang mga hiyawan ng mga tao kaya naman mas ginalingan ko pa. I bit my lip as I went near him, my lips were almost touching his neck, I sniffed his scent and while unbuttoning his shirt.

Nang bubuksan ko na 'yung pangatlong butones ay agad niyang pinigil 'yong kamay ko at pinihit ako paharap sa kaniya at iniupo ako sa may piano.

Now, he's facing my legs. He gently caresses it. Napangiti naman ako nang mas lumakas ang hiyawan ng mga tao.

On that lonely night (Lonely night)
You said it wouldn't be love
But we felt the rush
It made us believe it there was only us (Only us)
Convinced we were broken inside, yeah, inside, yeah

Nilapit niya pa 'yong mukha niya sa may hita ko, wala akong maramdaman ngayon kung hindi tuwa dahil kailangan naming magbigay kilig sa mga tao.

Ibinaba niya na 'ko sa may piano at sumayaw na kami ng sexy dance sa gitna ng stage. May pahawak hawak pa kami sa katawan ng isa't isa.

Cause  girl you're perfect (Girl, you're perfect)
You're always worth it (You're always worth it)
And you deserve it (And you deserve it)
The way you work it (The way you work it)
'Cause girl you earned it, yeah
Girl you earned it, yeah (Earned it, no, no, ooh)

Nang matatapos na 'yong kanta ay saglit kaming nag-hiwalay. Nakatalikod kami sa isa't isa habang naglalakad papuntang magkabilang dulo ng stage. As soon as I went near the piano stand, I rested my hands and lay down as I began moving my fingers while looking intently at Levin, na para bang pinapalapit ko siya sa'kin.

Cause girl you're perfect
You're always worth it
And you deserve it

Saktong matapos ang kanta ay nakalapit na siya sa'kin. He held my chin and lift my face up, saglit siyang tumitig sa'kin bago ilapit ang mukha niya. Alam kong para lang 'to sa sayaw kaya naman sinakyan ko na lang 'yung trip niya.

I snaked my arms on his neck and pull him closer to mine. Naglapit 'yung mukha namin at bago pa man mag-dikit ang labi namin ay lumingon na kami sa mga tao at ngumiti bago mag-bow.

"Shocks, that was hot! Parang nabitin kami! Bagay pala kayong dalawa, ano?" Asar pa nung emcee.  Nag-palakpakan naman 'yong mga tao. Ngumiti lang kami at pumunta na ng backstage.

"You did well, congrats." Tipid na sabi ni Levin nang makabalik kami sa backstage.

"Thank you, ikaw rin." Sagot ko na lang, napayuko naman ako at napakamot sa batok ko nang makaramdam ako ng hiya.

Hindi naman kasi kami close. As in, tanguan lang ginagawa namin 'pag nagkikita kami. Nang magpaalam na siyang magbibihis na siya ay nag-thumbs up na lang ako.

Dahil madaming tao sa backstage ay binitbit ko na lang ulit 'yung paper bag ko at dahan-dahang umexit sa backstage. Mag-bibihis na sana ako ng pants and civilian shirt nang may humatak sa'kin at isinandal ako sa pader.

My eyes widened upon seeing him. Magsasalita sana ako pero tinakpan niya 'yung bibig ko gamit ang kamay niya.

"What was that?" He asked me.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya.

"Ano'ng pinagsasabi mo?"

He breathes heavily and stares at me. "Hanggang kailan ako masasatan sa'yo? Akala ko wala lang sa'kin, e. But damn it! I hate it when I saw how he touched you, how he stared at you! Hindi ka naman sa'kin, pero gusto kitang ipagdamot." Napatulala ako sa sinabi ni Dylan.

Bumilis 'yung tibok ng puso ko. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Bakit bigla niyang sinasabi sa'kin 'to?

"Dy—"

"Fvck, remember those lines that I said back when we're still together?" Mas inilapit niya 'yong mukha niya sa'kin. Nagkanda-duling na 'ko sa lapit niya sa'kin.

"I don't share what's mine. And you are mine, Kaye. You're still mine."

Broken and UnfixedWhere stories live. Discover now