"I'm not holding them!" he barked.

"Oh," kunwari'y nagulat kong saad. "But you fucked them?"

Kita ko ang pagkuyom ng kamao niya. "I didn't—"

"Napakasinungaling mo talaga, Lucas,"

"We didn't, Vittoria. Either you believe me or not, I did not have sex with any of them. I let them sleep in some room in the mansion pero ni minsan wala akong ginalaw na babae sa mansyon... except you," he whispered.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Agad kong tiniim ang bagang ko. I tried diverting the topic because damn us if I won't. Baka kung saan na naman kami papunta... ang lapit pa naman ng kama sa amin...

Minasahe ko ang sentido. "Bakit mo ba kasi ako pinapunta dito kung wala ka naman palang ipapalinis?" inis kong saad.

"To tell you that I'm not with Kazandra. Ayaw kong may isipin kang mga ganyan—"

With the look in his eyes, alam ko namang nagsasabi siya ng totoo. He looks so desperate. Parang kulang na lang ay lumuhod siya para paniwalaan ko siya.

"Nasabi mo na. Ngayon, palabasin mo na ako—"

"I want you to believe me!"

"Bakit ba mahalagang paniwalaan pa kita?"

"Because I fucking want you, Vittoria!"

Umawang ang labi ko.

"Hindi pa ba obvious? If not, then I'm telling you now that you're keeping me up all night. You're always in my head. I always see you in everything I do... I like you very much, Vittoria." Umusli ang ugat niya sa gilid ng noo sa bahagyang pagtaas ng boses.

I filled my lungs with air. Sinubukan kong mangalap ng sasabihin pero wala akong nakapa. I epened my mouth to uttered some words but ended up being silent.

His confession rendered me speechless. Isabay mo na ang mga nagwawalang paru-paru sa sikmura ko. Lucas' words shaken them up violently that they went flying in chaotic direction.

Ginawa kong baston ang vacuum na hawak para suportahan ako sa pagtayo. My knees were literally shaking.

Dahan-dahan siyang umupo sa gilid ng kama. He spread his legs widely.

"Halika," sabi niya.

Pagkatapos ng sinabi niya, para akong napasailalim sa makapangyarihang mahika. This is dangerous. He's under my skin. I'm bewitched by his charms. Lured by his words. Walking towards him feels like walking straight into the lion's den.

How ironic. Na kung siya lang naman ang leon sa bitag na lalapa sa akin ay payag ako sa kahit anong gusto niyang gawin sa akin.

God, that doesn't sound right... but it's the truth.

"Upo dito." Tinapik niya ang epasyo sa gilid niya.

Ngumuso ako. Binitawan ko muna ang hawak na vacuum bago umupo sa gilid ng kama. Sinubukan kong may pagitang espasyo sa pagitan namin. Pinagpawisan ako sa mga paglilinis ko kanina kaya mas mabuting malayo ako sa kanya dahil baka mamaya ang baho ko na pala.

Kumunot ang noo niya. "You're so far away. Lapit pa," he said softly.

Umiling ako. "Ayoko. Ayos na 'to—"

He scooted closer to me and I have to quickly move away from him. Nakapag-ayos at nag-retouch naman ako kanina bago ako pumunta dito... pero ewan ko ba, naco-conscious talaga ako sa sarili pag andyan siya.

Uusog pa sana ako muli ng mabilis niyang pinulupot ang braso palibot sa bewang ko upang pigilan sa muling ambang pag-usog.

Diniinan niya ang tingin sa akin. "Bakit ba layo ka ng layo?" Ang lapit na ng mukha niya sa akin. Nakatingin siya sa mga labi ko.

Sweet Vittoria ReignsМесто, где живут истории. Откройте их для себя