Chapter 91: Date Night

En başından başla
                                    

Bumalik na kami sa kaniya-kaniya naming ginagawa matapos ang match. Ako? Tumambay ako sa table malapit sa pool area para ma-review ang mga reviewer na sine-send sa akin ni Shannah habang si Dion ay busy na makipaglaro ng PS5 kay Callie sa gaming area. Hindi naman din kailangan na lagi kaming magkadikit na dalawa ni Dion. Parang lahat naman ng tao ay kailangan ng Alone time kahit papaano.

Busy ako sa pagre-review noong makatanggap ako nang text galing kay Aisha.

Aisha:
I just watched you match kanina! Nice game! Sexy ng character mo, ha! Sanaol.

Napailing na lang ako kay Aisha. But oh well, hindi siya si Aisha kung hindi siya ganyan magsalita. Ang cute nga kasi na-maintain namin ang close friendship namin kahit nagwo-work kami sa magkaibang team.

I decided to call her instead of chatting para less hassle. She immediately accepted the call at tumambad sa akin ang mukha ni Aisha na nakasuot ng salamin at mukhang nagtatrabaho dahil kaharap niya ang PC niya. Naka-bun ang kaniyang buhok at simpleng shirt lang ang suot niya pero ang lakas ng dating ni Aisha. "Girl! Ang ganda ng laban ninyo kanina, ha! Parang hindi qualifiers ang pinanood ko."

"Muntik pa nga kaming matalo, buti na lang at nag-work 'yong biglaang plano ni Elvis. Busy ka ba? Wrong timing ba 'yong pagtawag ko?" I asked habang nilalaro ang ballpen ko. Itinigil ko muna ang pagre-review dahil feeling ko ay kailangan ko muna nang hinga at makakatsismisan.

"Mas okay nga na tumawag ka, 'no! Stress na stress na ako rito sa mga ginagawa ko sa Boothcamp. Ang dami kong dapat i-edit. Kapag ganitong tournament days talaga ay kawawang-kawawa kaming mga artist at editor. Kabi-kabilang promotion ang dapat gawin, feeling ko ay dito ako sa computer na ito ako ikakasal." Mahabang reklamo ni Aisha sa akin at bahagya akong natawa

"Bakit ka nai-i-stress? Hindi ba dinadalaw ka naman diyan ni Callie," Tumingin siya sa camera at umakto na parang nasusuka. "Bakit? Hindi ka ba masaya na makita ang pinakamagaling na player sa mundo ng Hunter Online?" 

"Bakla ka, knock on the woods nga, baka mamaya ay biglang sumulpot si Callie. Mas lalong masisira ang ara--"

Hindi na natapos ni Aisha ang kaniyang sinasabi noong biglang sumulpot si Callie sa aking likod. "Sino 'yang kausap mo, Milan?" Inilapit niya pa ang mukha niya sa cellphone ko para makita mismo si Aisha. "Ganda naman pala nang kausap mo. Wala na, buo na ang araw ko."

"Sira na ang linggo ko." Aisha rolled her eyes and Callie just laughed. I just watched them and honestly ay naku-cute-an ako sa love-hate treatment nila sa isa't isa. Kinuha ni Callie ang phone niya at pinicture-an si Aisha sa cellphone ko. "Hoy i-delete mo nga 'yan! You didn't even ask for my permission! Susuntukin talaga kita!"

"Paano mo naman ako masusuntok, wala ka naman dito." Callie chuckled.

"Milan, mamaya na nga tayo mag-usap. May hambog akong nakikita, ang sakit sa mata. Meet na lang tayo nila Shannah soon, miss ko na kayo kakuwentuhan. Set kayo!" she said.

"Sige, bye Aisha. Enjoy mo 'yong workloads mo diyan!" I waved to the camera.

"Tse!" She said before ending the call at natawa ako.

Napatingin ako kay Callie. "Alam mo panira ka, ang ganda nang kuwentuhan namin ni Aisha dito tapos pinikon mo lang."

"Alam mo, hindi lang makatagal si Aisha sa kaguwapuhan ko. Tinapos niya 'yong call kasi baka ma-inlove siya sa akin lalo." Callie wiggled his brows while rubbing his chin.

Napailing ako. "Tapos ay magtataka ka pa kung bakit ayaw ka kausap ni Aisha."

"Wala kang bilib sa courting skill ko, eh. Maghintay ka lang, one of these days ay paniguradong laman na ako ng IG stories at My day niyan." Sumeryoso ang tingin sa akin ni Callie bago siya naglakad papasok ng boothcamp. "Meeting tayo nila Larkin mamayang gabi. Kailangan nating paghandaan ang susunod nating laban."

Hunter OnlineHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin