90 Parting Time

Magsimula sa umpisa
                                    

" Waaaahhhhhh!"-bumunghalit na ito ng iyak at gumapang papunta sakin.

Dali dali nanamg gumapang si AJ papunta sa kapatid at parang inaalo ito.

" Sssssshhhhhhh"-sabi ni AJ at yinakap na ang kapatid.

" Oh that's so sweet of you baby boy"-puri ko.

" Good morning! oh why is my princess crying?"-bati ni Glaiza na humalik muna sakin at linapitan ang mga anak.

" Where's my good morning kiss babies?"-untag niya sa kambal and spread her arms.

" Da-da morning!"-sabi ng kambal at nag unahang gumapang papunta kay Glaiza.

Pero itong asawa ko naman kung kelan malapit na ang kambal sakanya saka siya lalayo at nagpapahabol sa mga anak na pilit gumagapang ng mabilis para makapunta sakanya.

Nahalata ng kambal na pinagtitripan sila ng Dada nila kaya tumigil na sila sa paghabol dito at gumapang sakin pabalik.

" Hey babies wala pa akong kiss!"-tawag niya.

Lumingon sakanya ang kambal.

" No!"-Sabay na sabi ng mga ito at umiling iling pa.

Humagalpak na ako ng tawa sa ginawa ng kambal at sa itsura ng asawa ko. Gumapang na din siyang parang bata at hinabol ang kambal at pinaghahalikan ang mga ito.

" Kayo ha napakamatampuhin niyo. Mwah mwah!"-pupog niya ng halik sa mga ito.

" Wub you Dada"-umpog ni GJ ng nguso niya kay Glaiza.

" How about you big guy? don't you love Dada?"-baling niya kay AJ.

" Wub you very very big!!"-hiyaw nito.

" How about Mama Wifey?"-singit ko.

" Wub you wub you so so much Mama "-sabi nila at inumpog ang mukha sa magkabilang pisngi ko.

Gustuhin man naming itrato sila sa age nila ay wala kaming magawa dahil napakatalino ng mga ito at marunong ng umintindi. Minsan mahuhuli pa naming nag-uusap sila habang nagmamasid sa paligid nila lalo na kung hindi nila kilala ang mga taong kaharap.

At an early age ramdam na namin ni Glaiza na mas angat sila kesa sa ibang bata. They know already different types of colors at marunong na silang magbilang kahit hindi sila tinuturuan.

Minsan pag pinagsasabihan sila nagugulat na lang kami the way they reason out.

" Hubby di ba you'll talk to Batchi? let's go down na. Umalis na din sila Mom and Dad kanina pa. And ihahatid pa natin ang mga buddies sa airport"-paalala ko.

" Yeah Wifey. Kiddos kayo na muna bahala kay Mama Wifey okay?"-sabi niya sa kambal.

" Dada stay here. You no go!"-simangot ni GJ.

" Dada will go talk to Baba, GJ!"--paliwanag ni AJ sa kapatid.

Baba ang nakasanayan na nilang tawag kay Batchi at Mimi naman kay Bianca.

At one year old matatas na silang magsalita at napakasensitive nila sa paligid nila.

" Wifey sigurado ka bang one year old palang ang kambal natin? parang mga matanda kung makapagsalita"-tanong sakin ni Glaiza

" Yeshhh we are Dada!"-sabay sagot ng kambal.

" Uhuh sabi ko nga eh. let's go na I'm famish!"-binuhat niya ang mga ito.

A Rastro StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon